Chapter 45

831 29 3
                                    


- Raven -


Papunta kami ngayon ni Axelle sa classroom nila Julez. Paano ba naman kasi, pinalayas si Syden sa dorm namin. Kinwento ko lahat kay Axelle at kinausap namin si Carson tungkol sa plano kung paano siya makakausap ni Syden. Napag-usapan na namin lahat ng dapat gawin sa araw na 'yon.


Sana nga maging successful.


Pagkarating namin, nakabukas ang pintuan sa classroom nila kaya pumasok kami. Nakita ko si Syden, lipad ang isip at mukhang inaantok pa, "Hoy! Bakit ganyan itsura mo? Di ka ba nakatulog?"


Nakita niya kami at nabigla. Kinusot niya ang mga mata at parang inaantok pa talaga. Tulog mantika talaga, "Putul-putol tulog ko eh. Hindi kasi ako sanay. Alam mo namang classroom ito, kaya nakapatong lang ang ulo ko sa lamesa buong gabi," sagot niya.


"Oh kumain ka na," inabot ko sa kanya ang dala kong sandwich na binili ko pa sa cafeteria kanina para lang sa kanya.


Tinignan niya muna 'yon bago niya kinuha, pagkatapos kinain na, "Bilisan mong kumain. May pag-uusapan tayo," ang kupad niya kasing kumain eh.


"Ano naman?" napatingin siya sa amin habang ngumunguya.


"Basta bilisan mo na lang, okay?" saad ko.


Tinignan niya ako ng masama habang kumakain ito. Pagkatapos noon, pumunta na kami sa rooftop dahil may sasabihin kami ni Axelle sa kanya.


"Gaano ba ka-importante 'yan? Hindi ba pwedeng mamaya na lang? May klasi pa tayo eh," sambit niya habang nagkakamot ng ulo. Ang babaeng 'to, ang daming reklamo.


"Kahit huwag ka ng pumasok okay lang," sabi ni Axelle kaya napatingin sa kanya si Syden at nagtaka.


"Ha?! Bakit naman!? Gusto niyo bang itali nila ako sa Prison Tree?! Kasi ako ayaw ko," reklamo niya.


Hindi niya naman kailangang pumasok dahil pirmado na ang attendance niya, kinausap ni Carson ang nagbibigay ng attendance sa bawat rooms para exempted si Syden sa attendance, pati na rin kami. Iba talaga siya haha. Sa umpisa lang pala siya mukhang nakakatakot.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon