Chapter 22

79 5 0
                                    


(This is an added chapter under new revision.)


- Syden -


"Anong ibig mong sabihin na kanina pa siya nawawala?" lakad-takbo ako ngayon na hindi ko alam kung saan ako patungo. Pasulyap-sulyap ako kina Icah, Maureen at Hadlee na nakasunod sa aking likuran. Hindi ako makapaniwala na hindi pala si Raven ang nakita ni Maureen kanina. Sa pagkakaalam ko ay magkasabay lang kaming tumakbo pabalik ng Silent Alliance room, kung ganon ay nasaan siya?


"Sy, sorry. Akala ko kasi siya yung lalaki sa classroom kanina na natutulog sa sulok. Magkahawig kasi sila eh," pagsunod ni Maureen sa akin.


"Ang tagal na nating magkakasama, paanong namali ka sa taong 'yon na siya si Raven?" tumigil ako at hinarap ito. Hindi ko ba alam kung anong dapat na maramdaman ngayon. Naiinis ako na nag-aalala na hindi mapakali.


"Sorry, Sy. Promise tutulungan ka namin na hanapin si Raven," hinawakan ako nito sa braso gamit ang mga kamay. Mangiyak-ngiyak siya na parang bata, isama mo pa na palaging naka two-sided ponytail ito at may lollipop sa bibig.


"Oo, Sy. Huwag kang mag-alala, tutulong kami. Kung gusto mo, magpapatawag na ako ng meeting ngayon sa Silent Alliance para hanapin si Raven o mapagtanungan natin sila. Baka sakaling may nakakita sa kakambal mo," pahayag ni Icah.


Yumuko ako at napamaywang bago pumikit. Hindi maikakaila na tulad ko ay nag-aalala rin ang mga ito. Kahit naman hindi sila masyadong kinakausap ni Raven ay alam kong pantay lang ang turing nila sa amin bilang kaibigan. Hindi ito ang tamang oras para mainis sa nangyari. Higit sa lahat, hindi ko dapat sisihin si Maureen.


Tao lang tayo, nagkakamali.


Tiningala ko sila at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga, "Fine. Hanapin na lang natin si Raven, mas maganda kung maghihiwa-hiwalay na lang tayo para mapabilis ang paghahanap sa kanya."


"Sige," pagtango nilang tatlo.


"Magpapatawag na ako ng meeting sa Silent Alliance." -Icah


Tumango ako, "Sige. Mauna na ako sa main building."


"Sy, sandali!" pagtawag pa ni Maureen na tila aligaga. Saktong tinalikuran ko sila at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ilang beses akong napahakbang paatras nang may kung sino akong nakabangga.


Pagkatingala ko rito ay halos mangarera na sa bilis ng pintig ang puso ko nang magtama ang aming paningin. Ilang segundo rin kaming nagkatinginan hanggang sa magsalubong ang kilay nito at muling napatingin sa gilid ko.


Nanaman? Ano bang meron sa gilid ko at lagi syang napapatingin dito? May nakikita ba siya na hindi ko nakikita? Multo? No way. Imposibleng sina Icah ang tinitignan niya.


"Would you like to join us for lunch?" tanong nito na ikinasalubong ng kilay ko.


Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon