Chapter 46

784 29 0
                                    


(Continuation)


"Hoy, Dave! Bakit mo naman sinabi 'yon? Ano bang pumasok dyan sa utak mo ha?! Malalagot tayo kay Carson nyan eh," sino ba naman kasing adik ang magsasabi na girlfriend ni Carson si Syden? Edi syempre, si Dave Axelle. Di pa naman mabiro ang leader namin, masyadong siyang seryoso.


Dave na nga pala ang tawag ko sa kanya kapag kaming dalawa lang, pero kapag may ibang tao, Axelle, para rin hindi siya makilala.


"Are you afraid? Haha, akala ko bang matapang ka na?" sagot niya sa akin.
Parang wala pa siyang pakielam sa ginawa niya. Seriously?! Wala ba talagang kinakatakutan ang lalaking 'to?


"Kapag nalaman 'to ni Carson, anong gagawin natin ha?! Alam mo naman yung matalik mong kaibigan d'ba, nagiging leon kapag galit."


"Masyado ka namang takutin, bro," langya naman tong kausap ko. Kanina ko pa tinatanong, wala man lang sinagot.


Tinignan niya ako at mukhang nang-aasar pa siya, "Alam mo kasi... " lumapit siya at inakbayan ako.


"D*mn layuan mo nga ako! Ang init init eh. Bakla ka ba?!" nilayuan ko siya.


"Bro, pasalamat ka nga sa kagwapuhan kong 'to nilalapitan pa kita— " ayan nanaman siya sa pagyayabang.


"Layuan mo ako sasapakin na kita," nag-akto ako na talagang sasapakin ko siya pero hinarang niya ang kamay nito.


"Ohwww, easy easy bro. Easy lang okay?" tumayo siya ng maayos at ngumiti.


Inayos ko na rin ang tayo ko at huminga ng malalim, "Huwag kang mag-alala okay? Hindi tayo sisipain ni Carson palabas ng Blood Rebels. You know, kung bakit ko sinabing girlfriend ni Carson si Syden?"

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon