Chapter 11

1K 40 2
                                    

- Carson -


"At saan ka galing?" the moment I opened the d*mn door, siya na ang bumungad sa akin. Medyo masakit ang ulo ko at gusto ko ng magpahinga pero kailangan ko muna siyang kausapin. Kasalukuyan siyang nakakibit-balikat at nakatayo sa harapan ko. It was obvious that she has been waiting for me.


D*mn.


Lalapitan ko sana siya pero nilayuan niya ako, "Nagbibisyo ka nanaman!" galit niyang sabi. Oh, here we go again.


Hindi na lang ako kumibo lalo na't hindi ako nakapagpaalam sa kanya kanina dahil wala naman siya, "Hindi mo man lang ako sinabihan na pupunta ka sa club?"


"I couldn't find you that's why I left," I said.


I was about to hold her hand pero nilayuan niya ulit ako, "Tignan mo nga ang sarili mo, Carson. Dahil sa pagbibisyo mo, mawawalan ka na ng kontrol sa mga miyembro mo. Paano kung makita ka nilang ganito?! Hindi ka ba nahihiya?!" may kalakasan ang boses niya.


It's starting again. Pagsasabihan niya nanaman ako tungkol sa grupo ko. Kahit gusto kong sabihin ang sama ng loob ko sa kanya, hindi ko masabi dahil ayaw kong magalit siya at baka iwan niya ako.


"Iisipin muna lang ba palagi ang Blood Rebels? Lagi na lang ba ang pagiging leader ko ang nasa isip mo pero hindi ang kagustuhan ko?" kahit masakit ang ulo, pinilit ko pa rin na kumalma dahil baka masaktan ko siya and I don't want to hurt her.


I'm afraid that one day baka masaktan ko siya o masigawan. Lagi niyang iniisip ang Blood Rebels but not me. She always think about me as a leader but not the real me.


Ito lang ang paulit-ulit na pumapasok sa utak ko kaya nagbibisyo ako, dahil gusto kong makalimutan siya, pero hindi ko kaya. I shouldn't try to move on with her while I'm in a relationship with her. I must be crazy. Nawawala na ako sa katinuan para mag-isip ng mga ganitong bagay.


I really really love her. Kasalanan ko naman kung bakit galit nanaman siya sa akin dahil hindi ako nakapagpaalam. I should always try to understand the situation.


"Next time, sasabihin ko muna sa'yo bago ako pumunta roon so stop being mad already," I said with a low voice nang hindi niya ako sinagot sa sinabi ko kanina.


"No!" sambit nito.


I looked at her directly and she did the same to me, "What do you mean?" I asked.


"Don't ever go there again," she said it more like a demand.


No! That club is the only place kung saan ako natatahimik at nakakapag-isip ng maayos, whenever I wanna be alone.


"You can't do that to me, Roxanne? You love me, right?" I said laughing like a crazy habang sinasaksak niya ako ng tingin.


"If you really love me, promise me na hindi ka na magbibisyo at pupunta sa club na 'yon?" dagdag pa nito.


WTF! She's so serious about that matter?! I thought she was just kidding. I kept quiet for a few seconds to think if she was really serious. But in the end, what can I do? I love her.


Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga, "Fine. I promise," napayuko na lang ako at hindi na siya tinignan.


Kahit labag sa loob ko na iwasan ang lugar kung saan nakakalimutan ko ang mga problema ko tungkol sa kanya, I still had to promise not going there anymore. I think it's just right, many times na kaming nag-aaway tungkol sa pagiging mabisyo ko.


Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon