Chapter 9

1K 46 5
                                    

- Syden -

Iminulat ko ng dahan-dahan ang aking mga mata. Madilim ang paligid at tahimik kaya hindi ko maiwasang ilibot ang tingin. Kasabay noon, bigla namang bumukas ang isang ilaw sa tapat ko sapat na para magliwanag.

Sinubukan kong igalaw ang buong katawan, pero hindi ko magawa. Napansin kong nasa isang upuan ako at nakagapos ang mga kamay at paa. Unti-unti ko nanamang nararamdaman ang sobrang pagkahapdi ng mga sugat na natamo ko kailan lang. Dahil doon ay bigla kong naalala ang nangyari, kung paano nila ako pinaglaruan. Gustuhin ko mang sumigaw at humingi ng tulong, pero nakatakip ng panyo ang bibig ko. Natuyo na ang mga sugat ko pati na rin ang dugo sa buong katawan ko bunga ng ginawa nila Clyde.

Pinagpapawisan, nauuhaw at nahihirapan na rin akong huminga lalo na't tanging liwanag na lamang ng ilaw ang nakikita ko, walang bintana na maaaring pagpasukan ng sariwang hangin na siyang kailangan ko sa mga oras na 'to.

Biglang bumukas ang pintuan na nasa tapat ko, "Mabuti naman at gising ka na?" bati niya sa akin. Agad ko itong nakilala.

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit siya sa akin. Ngayon ay nasa harapan ko siya. Tinanggal niya ang panyo sa bibig ko dahilan para makahinga ako ng malalim.

Sa bawat kilos at galaw niya, tinitignan ko lang siya ng sobrang sama, "Naging maayos ba ang tulog mo?" may maliit na lamesa sa tabi ng pintuan at doon siya naglakad para sumandal. Ipinagkrus nito ang mga kamay.

"Ano bang kailangan mo?" galit kong tanong. Pagkatapos ng ginawa nila ay hindi pa sila nakuntento at itinali pa ako rito.

"Simple lang naman ang hinihingi ko, hindi ba? Na hindi mo ipagkakalat o sasabihin kahit kanino ang nalalaman mo? You need to join Phantom Sinners as a promise. That's the only way I will trust your words," sagot niya na halos ikalaki ng mata ko.

"What?! Tinuturuan mo ba akong magsinungaling? Kagaya niyo ni Roxanne? Na magpanggap akong walang alam at parang walang nangyari? And what do you mean kailangan kong sumali sa inyo?" 

Umalis siya sa kinaroroonan niya at lumapit sa akin, ganon na lang ang pagtitinginan namin nang pisilin niya ang pisngi ko gamit ang isa nitong kamay. Nakatingala ako ngayon sa kanya, "Just one word, Bliss Syden. Say yes," utos niya.

Inilingan ko siya, "No," diin ko. Who does he think he is para utus-utusan ako? Just because he's the leader of a known dangerous group?

Pagkasabing-pagkasabi ko noon ay ang malapad na palad niya ang dumapo sa akin dahilan kaya napatagilid ang mukha ko sa kanya, "Pasalamat ka at sumusunod ako sa kung ano ang ipinagbabawal," muli niyang pinisil ang pisngi ko at pinaharap sa kanya.  Makikita sa itsura nito ang isang mapanlokong ngiti.

Ni hindi man lang naawa sa ginawa niya sa akin. Nag-uumpisa nanamang humapdi ang isang pisngi ko dahil sa ginawa niya, "Do you know what is the rule? Bawal pumatay. You should thank that rule, because of that f*ckin rule hindi kita mapatay kahit gustung-gusto ko," diin niya.

Nakatingin pa rin ako sa kanya habang nakikita ko ang sarili ko sa mga mata nito, galit na galit siya kaya mas mabuti sigurong manahimik na lang ako.

"Kung hindi kita makukuha sa magandang usapan... well, kailangan kitang turuan ng leksyon," may kinuha siya sa bulsa niya kaya nawala ang pagkakahawak nito sa akin, isang controller ang hawak niya ngayon.

Humakbang ito paatras. Tinuro niya ang inuupuan ko kaya tinignan ko rin ito na ngayon ko lang napansin ang itsura, "As you can see, ang inuupuan mo ngayon ay isang electric chair," nanlaki ang mga mata ko nang matukoy kong totoo nga ang sinasabi niya.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon