- Syden -
Huh? 6 am palang?
Ang aga kong nagising ngayong araw na ito, medyo masarap kasi tulog ko. Isa pa, kailangan ko ng umalis dito dahil nakitulog lang ako. Ayaw ko naman painitin yung ulo ni Carson kasi alam na, laging umuusok ang tenga niya kaya okay na rin na nagising ako ng maaga para makaalis na rin ako dito.
Pero ang dahilan talaga kung bakit maaga akong nagising, kasi nagugutom ako. Hanggang sa panaginip ko ata nagrereklamo itong tiyan ko. Tumayo na ako sa hinigaan ko at nagligpit, nakakahiya naman kasi sa kanila. Dahan-dahan akong sumilip sa labas, tahimik pa. For sure, tulog pa silang lahat. Tahimik kong binuksan yung pintuan tapos naglakad din ako ng tahimik para hindi sila magising. Finally, nakalabas na ako, pero may bigla akong naalala.
Hindi pala ako pwedeng makita ng mga Phantoms. Siguradong hinahanap na nila ako ngayon.
Babalik sana ako sa kwarto na pinag-tulugan ko para kunin yung white hoodie jacket ko kaso naalala ko nanaman, na kila Julez pala yung mga gamit ko. Hindi ko naman kasi alam na dito ako matutulog. Kung hihintayin kong magising si Raven, siguradong mamamatay na ako sa gutom kaya ako na lang ang kukuha sa room nila. Bahala na kung paano basta ang mahalaga ay makakain ako.
Tuluyan na akong lumabas doon sa tambayan ng mga Blood Rebels, este Black Vipers pala. Syempre kailangang dumaan dun sa maliit na daanan palabas. Sumilip muna ako kung marami bang tao o kung may Phantoms ba sa daan. Buti naman konti pa lang ang mga estudyante, mabibilang mo pa sila, masyado pa kasing maaga. Wala din namang Phantoms.
Nag-decide na akong pumunta sa building at puntahan ang room nila Julez. Habang nasa hallway ako, nakita ko ang mga Phantoms kaya napaatras ako. Nagtago muna ako sa tabi para hindi nila ako makita. Nang malagpasan nila ako, siniguro ko munang nakaalis na talaga sila bago ko tinuloy ang paglalakad sa hallway.
Pumasok ako sa room nila Julez, as usual nagbabasa pa din sila, ni hindi nga nila ako napansin. Ayaw ko naman silang istorbohin kaya kinuha ko na lang yung bag ko para hanapin yung hoodie jacket ko. Sinuot ko agad 'yon para di nila ako makilala at napagpasyahan kong iwanan muna ulit yung mga gamit ko dito sa room nila.
Naglakad nanaman ako palabas, pero medyo nakayuko ako para walang makakilala sa akin. Dumiretso ako sa cafeteria. Syempre kuminang yung mga mata ko nang makita ko yung mga pagkain kaya agad-agad akong lumapit doon para mamili ng pagkain. Nakita ko yung paborito kong siopao kaya lalo pa akong nagutom. Bumili ako ng dalawang siopao para naman hindi ako mabitin.
Umupo ako agad para makakain na. Nagtatago pa din naman ako kasi siguradong kapag may nakakilala sa akin, pagbubulungan nila ako lalo na yung mga tsismosa dyan.
Sinarapan ko na yung pagkain ko dahil mahaba pa naman yung oras before first period. Sunday pa naman, siguradong darating yung mga teacher. Nilagay ko muna yung kinakain kong siopao sa bulsa ng jacket ko pati yung binili kong isa, feeling ko kasi gusto kong matulog kaya ipinatong ko muna yung ulo ko sa lamesa.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako, dapat kasi idlip lang, pero tingin ko maaga pa naman, tinignan ko yung relo ko at nanlaki ang mata, 7:20 na. Tinignan ko din yung buong cafeteria at wala ng tao. Ako na lang yung natira.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
TerrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."