Chapter 4

1.6K 57 3
                                    



"Palabasin niyo kami rito!" pagsigaw ko sa harapan ng isang napakataas na pader which is the opposite wall na lagi naming tinitignan ni Raven. Nakatayo ako sa tapat nito. Kung date ay nasa kabilang banda kami ng pader at nakatitig lang dito, ngayon ay nasa likuran na kami mismo ng pader na 'yon. Heaven's Ward High ang pangalan ng pinapasukan naming paaralan, ngunit ngayon, hindi ko alam kung matatawag pa bang parte ng Heaven's Ward ang lugar na 'to o hindi.


Ni hindi ko alam kung nasa loob o labas kami ng mataas na wall, ngunit tulad sa kabila, halatang kulong din ang eskwelahan na 'to. Prison School? Hibang na ba sila?


I didn't expect na darating ang araw at mapupunta kami sa sitwasyong ito.


"Tumigil ka na, Sy," pakiusap ng kakambal ko. Nasa likuran ko siya at tahimik lang, paniguradong nangangamba sa mga maaaring mangyari. 


Tumayo siya at pinagpag ang damit nito. Pagkatapos ay inilibot ang tingin sa paligid, "Mabuti pang maghanap tayo ng makakausap para humingi ng tulong," sambit niya.


Tumango na lang ako at nag-umpisa na kaming maglakad dahil hindi naman pamilyar sa amin ang eskwelang 'to. Katulad din siya ng Heaven's Ward High pero may pagkakaiba lang ng konti ang itsura. Tulad namin ay naka-uniform ang mga estudyante ngunit sa kulay lang ang naiiba. Naka-pula kami habang naka-itim naman sila. Pinagtitinginan nila kami at parang mayroon silang binabalak na hindi maganda. Parang ilang din silang lapitan kami. They seem scared but why? Hindi na lang namin pinansin ni Raven at itinuloy na lang ang paglalakad.


Hindi kami pwedeng magpadala sa takot o pangamba.


Tumunog ang bell at hindi namin alam ang gagawin dahil wala naman kaming alam sa lugar na 'to at kung saan kami dapat na pumunta. Kami na lang ang natira dahil lahat sila ay mabilis na nagsipasukan na sa mga building at classroom nila.


"What the hell! What are you doing here when you were supposed to be in your classrooms?" isang babaeng naka-pulang dress at high-heels ang sumalubong sa amin, tila mamamaga na ang labi dahil sa sobrang pula nito. Napatingin kami sa kanya ni Raven habang papalapit siya sa amin.


"Pasensya na. Hindi kasi namin alam kung saan dapat pumunta since we're just new here," sagot ko sa kanya sa maayos na paraan. Ang akala ko ba ay itim ang uniform nila pero bakit naka-pulang dress siya? Is she even a student here?


Tumigil siya sa tapat namin at pinagtaasan ako ng kilay, "Ano naman ngayon kung baguhan kayo rito?" nagkibit-balikat siya, "No one's here to entertain you. You need to gather information para mabuhay kayo ng tahimik dito, unless you wanna suffer," pagkibit-balikat niya.


"Eh sino bang nagsabi sa'yo na gusto naming mag-aral sa eskwelang to?" pabalik kong sagot sa kanya.


Hinawakan ako ni Raven sa braso like he was saying na tumigil na 'ko pero hinayaan ko lang siya, "Bakit? Sino bang nagsabi sa'yo na ginustong pumasok ng mga estudyante rito?" tinapatan ako ng babae at sinamaan ng tingin.


"Para sabihin ko sa'yo, all of us here in Prison School were all wrongly accused in Heaven's Ward High. Hindi rin kayo magtatagal dito katulad ng iba because you're both just a free soul here. Soon they will come to get you, kaya if I were you, voluntarily join a group now if you don't want to be tortured here," pagkatapos niyang sabihin lahat ng 'yon, tinalikuran na niya kami.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon