- Roxanne -
Binuksan ko ng pabigla ang pinto dahilan para matahimik ang lahat at mapatingin sa akin. That's what I want. Gusto ko, lahat ng atensyon ay sa akin. Inilibot ko ang paningin at nasa pinakalikod siya, nakaharap sa may bintana at nakaupo. Napatingin siya sa akin at ngumiti.
Lumapit ako sa kanya at tinignan ang mga mga miyembro nito na sa akin pa rin ang tingin, "All of you. Leave," utos ko. Nagkatinginan silang lahat bago kay kay Carson.
"Hindi niyo ba siya narinig? Leave," seryoso niyang saad na sinunod naman nila.
Ngayon, kaming dalawa na lang ang natira. Hinarapan ko siya at nanatili lang akong nakatayo habang siya naman, nakaupo pa rin, "Buti naman napadalaw ka? Na-miss mo ba ako?" tumayo ito at hinarapan ako. Umiwas ako sa mg hawak niya.
"Oo! Na-miss kita dahil busy kang nakikipaglandian sa babaeng 'yon!" hindi ko maiwasang mainis dahil sa inasal niya.
Napa-kunot ang noo nito sa sinabi ko, "What? Ako? Nakikipag-landian?" hindi makapaniwalang itinuro nito ang sarili at natawa. Ano pa ba?
"Huwag kang magkunwari! Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mo kanina?" nanlisik ang aking mga mata.
"Bakit naman ako mahihiya? What did I do, huh? Nakikipag-kaibigan lang naman ako at higit sa lahat, hindi ako nakikipaglandian."
"Hindi ka nakikipag-landian kanina?" nakuha kong matawa, "Wow! So anong tawag doon? Pinatabi mo siya sa tabi mo na dapat ay pwesto ko, tapos kapag umaalis siya, ayaw mo!"
"Ano bang masama sa ginawa ko? Ayaw mo bang nakikipag-kaibigan ako sa iba?"
"Fine. Makipag-kaibigan ka sa kanya as much as you want. Bahala ka!" tinalikuran ko na siya para umalis.
"Wait, Roxanne!" hinawakan niya ang braso ko kaya napaharap ako rito, "Iniinis ko lang naman si Clyde kaya ko nagawa 'yon," mahina niyang sabi na tila nagpapaliwanag.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
TerrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."