Chapter 34

834 37 4
                                    

 

- Clyde -


Nakaupo ako ngayon sa isang classroom na walang tao kundi ako lang. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Carson. Alam niya kaya na may relasyon kami ni Roxanne? Hindi niya pwedeng malaman at imposibleng malaman niya.


Bakit alam niyang sinasaktan ko si Syden para lang itikom niya ang bibig niya tungkol sa sikreto ko?


Sa pagkakaalam ko, curious siya kay Syden at sigurado akong gagawa siya ng paraan para malaman ang sikretong tinatago ko... kaya niya kinukuha si Syden sa grupo, pero hindi ko naman hahayaang makuha niya si Syden sa Phantom Sinners ng ganun-ganon na lang.


Ano naman kaya ang pinaplano niya?


Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko para puntahan ang isang tao na kailangan kong tanungin. Sigurado akong may alam siya sa sinasabi ni Carson at walang ibang nakakaalam ng sikretong 'yon bukod sa kanya.


Lumabas na ako sa classroom na 'yon at naglakad sa hallway. Habang naglalakad, masama ang tingin ko sa mga nakakasalubong ko kaya ang iba, napapahinto, ang iba naman, napapaatras.


Sigurado naman akong nagtatago siya dahil member siya ng Silent Alliance pero tapos na ang kaguluhan kaya for sure, lalabas na sila mula sa pinagtataguan nila.


Pagkarating ko sa lugar na 'yon, nagtago muna ako habang tinitignan kung nasaan siya. Naglalakad sila papunta sa pinagtataguan ko. Pagkadaan ni Syden, hinablot ko siya ng patago ng walang nakakaalam. Tinakpan ko ang bibig niya para makasigurong hindi siya makakasigaw.


Dinala ko siya sa isang lugar na walang tao. Nabigla siya ng makita ako, "Clyde?! Anong ginagawa mo rito?" gulat niyang tanong.


"Alam mo ba kung paano nalaman ng Blood Rebels na may sikreto akong tinatago na alam mo?" seryoso kong tanong.


Napakunot ang noo niya, "Ha?! Hindi," pag-iling nito.


"Baka naman binibigyan mo sila ng clue kaya nalaman nila?"


"H-Hindi. Hindi ko rin naman sila nilalapitan tulad ng sabi mo."


Unti-unti akong lumalapit sa kanya habang siya naman, umaatras, "Kahit anong mangyari... huwag mong sasabihin sa kanila, nagkakaintindihan ba tayo?"


Wala na siyang maatrasan kaya napahinto ito at tiningala na lang ako. Inilagay ko ang mga kamay sa magkabila niya kaya halos nakakulong na ito sa akin, "Tinatanong kita, Bliss Syden. Naiintindihan mo ba?"


"Oo. Alam ko naman," pilit niyang inialis ang mga kamay ko at nilagpasan ako para talikuran.


Agad ko siyang hinawakan sa isang braso at pinaharap sa akin, "Siguraduhin mo lang na walang makakaalam ng sikreto ko bukod sa'yo. Kung hindi, malilintikan ka sa akin," pananakot ko.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon