Chapter 21

89 6 0
                                    


(This is an added chapter under new revision.)


"Sy, bakit ngayon ka lang? Muntik ka na naming hinanap, akala namin napano ka na. Anong nangyari sa'yo? Bakit sugatan ka?" sunud-sunod na salubong ni Icah pagkapasok ko pa lang sa classroom ng Silent Alliance. Simula nang magkagulo kanina sa football field ay dito na dumiretso ang lahat.


"Si Raven?" tanong ko sa kanilang tatlo na nakatayo malapit sa pintuan. Kapag ganitong sitwasyon kasi ay abala silang inaasikaso ang lahat ng myembro, lalo na ang mga may anxiety at natra-trauma sa ganitong sitwasyon.


"Sy, ayos ka lang ba? Napano ka?" napatingin ako kay Icah nang hawakan niya ako sa kamay, "Nanginginig ka at bakit may mga sugat ka?" tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Malamang ay napansin na niya ang nakatakip kong sugat sa magkabilang-braso. Bukod sa nakikita niya ang panginginig ko ay nararamdaman niya rin ito lalo na't nakahawak siya sa akin.


Napatingin ako sa sarili. Ni hindi ko man lang napansin na ganito na ang sitwasyon ko, "O-Okay lang naman ako," pagtango ko at pilit ngumiti, "Si Raven?" inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko kasi siya kasamang pumasok dito dahil naiwan ako sa hagdanan kanina nang mapaupo ako sa sahig at nawalan ng balanse.


"Uhmm, feeling ko siya yung nakita ko kanina roon sa sulok," maski si Maureen ay nililibot ang tingin na parang may hinahanap. As usual, may lollipop ito sa bibig at naka-two sided ponytail na parang bata.


"Baka natutulog at nagpapahinga siya. Anyare sa'yo?" sabay harap nito sa akin na ikinatango ko. Kung ganon ay makakahinga na ako ng maluwag.


Tahimik at bulungan lang ang mayroon sa paligid. Nakaupo ang lahat sa sahig na tila hinihintay matapos ang kung anumang delubyo. May mga umiiyak, tahimik, nanginginig sa takot at samut-saring mga emosyon.


"Sure kang okay ka lang, Sy? Napano ka ba talaga?" tanong ulit ni Icah.


"Yeah, you don't seem fine," dagdag pa ni Hadlee, "At isa pa, bakit ka nahuling dumating? Akala namin ay napano ka na. Si Clyde ba ulit ang may gawa niyan sa'yo?" mukha ring sobrang nag-aalala ang mga ito na tinitignan ang mga sugat ko sa braso. Buti na lang at medyo hindi halata ang nasa hita ko dahil nakatakip ng kaunti sa palda.


"Wala 'to. Nadulas lang ako sa hagdanan pero ginamot na ako ni Raven at isa pa, naligaw lang ako. N-Natakot lang din dahil sa kaguluhan kanina," pag-iiba ko ng usapan. Mas mainam na hindi ko na muna ikwento ang tungkol sa natunghayan ko kanina. Hindi ko mapakalma ang sarili dahil sa pangyayaring 'yon, bakit ako pa ang nakakita?


"Himala Sy, natakot ka sa simpleng gulo pero kay Clyde parang hinde," natatawang saad ni Icah. Matipid akong ngumiti at hindi na lang ito pinansin. Kung alam lang nila kung paano ko nilalakasan ang loob sa tuwing kaharap ko si Clyde.


"So sa football field daw nag-umpisa ang gulo?" -Maureen


Tumango ako, "Parang ganon na nga, mukhang nagka-pikunan."


Nagbuntong-hininga ito, "Hindi na ako magtataka dahil kahit saan namang sulok ng ekwelang 'to ay may gulo palagi. Tara," tumalikod siya at naglakad papunta sa kung saan na sinundan ng dalawa. Ganon na rin ang ginawa ko.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon