Chapter 39

790 32 2
                                    


- Syden -


Habang naglalakad ako sa hallway, biglaang nag-activate ang mga speaker kaya doon nabaling ang buong atensyon ko. Ano naman kayang ia-announce nila ng ganitong oras? Hapon na rin kasi, kaya nakakapagtaka naman.


"Good afternoon, students. Do you still remember the Carnival game punishment random killer? I guess so. Today, this time, the council will pick for the random killer."


May mga estudyante rin na dumadaan at nakakasalubong ko kaya pagkarinig naming lahat sa sinabi ng announcer. Nag-umpisa silang magbulungan habang ang iba naman, mukhang kinakabahan.


Nakaramdam ako ng kaba dahil baka isa sa amin ni Raven ang mapili ng council para sa punishment o baka naman sina Icah. Hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yon, huwag naman sana.


Hindi ako mapakali at nanatili lang akong nakatayo habang nag-aannounce pa sila, "The Carnival game punishment random killer starts now."


Ano bang dapat kong gawin? Kailangan ko bang magtago? Dahil baka ako ang piliin nila lalo na't maraming estudyante dito na mainit ang mata sa akin. Nag-umpisang magbilang ang announcer. Parang countdown bago nila i-announce ang  random killer.


"10."


"9."


"8."


"7."


"6."


"5."


Habang nagbibilang sila, kinakabahan ako at lalo akong nanginginig. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin ni Raven. Baka isa sa amin ang piliin nila.


Nagtatakbuhan na rin ang mga estudyante. May umiiyak, may tumatakbo para magtago at higit sa lahat, parang nababaliw na ang iba dahil hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawin.


Hindi ko kaya kung sakali man na isa sa amin ni Raven ang mapili. Huwag naman sana.


"4."


"3."

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon