Chapter 30

880 40 6
                                    


- Icah -


Nasa cafeteria kami ngayon at nag-uusap pero si Syden lang ang wala at kasama din namin si Julez. Alam naming may nangyayari kay Sy sa Phantom Sinners dahil nag-iba ang kilos niya nitong mga nakaraang araw, kaya minabuti naming itanong kay Raven kung ano ba talagang lagay niya sa Phantoms.


Noong una, ayaw niyang sabihin, pero sa bandang huli, ikinwento niya rin sa amin na pinapahirapan pala ang kakambal nito para hindi ibunyag ni Sy ang sikreto ng mga Phantoms.


"Alam mo ba kung anong sikreto 'yon?" tanong ko habang umiinom ng tubig sa baso. Mahina lang kaming nag-uusap dahil iniiwasan naming may iba pang makarinig.


Nakapwesto kami sa pinaka-sulok. Lahat kami kumakain, pero si Julez, habang kumakain ay nagbabasa. Ano pa bang bago?


"Hindi. Ayaw sabihin ni Sy, mas delikado raw kung sasabihin niya sa akin," umiling siya at tinuloy lang ang pagkain. Mas tahimik siya ngayon kumpara date, malamang ay hindi nito maiwasang mag-alala sa kakambal niya.


"Bakit hindi niya sinabi sa atin ang totoo, na pinapahirapan pala siya doon?" nakasimangot na tanong ni Maureen.


"Ayaw niya raw kasing madamay tayo kaya nanahimik siya at nagtiis sa mga kamay ng Phantoms," sambit ni Raven.


"Mas mabuti pang mapahamak tayong lahat kaysa siya lang ang mahirapan," malungkot na sabi ni Hadlee habang kumakain ng pasta.


"May plano ba siya para makaalis sa grupong 'yon?" tanong ko.


"Sabi niya huwag na lang daw akong makisali sa plano niya. Siya na raw ang bahala," saad ni Raven habang mabagal na ngumunguya.


"Paano kaya kung humingi tayo ng tulong sa Blood Rebels?" biglang sabi ni Hadlee.


Nagulat kami sa kanya dahil nasigaw niya 'yon kaya nagtinginan lahat ng naka-paligid na estudyante sa amin, tabing lamesa namin sila. Magsasalita pa sana siya pero tinakpan ko ang bibig nito para pigilan.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon