- Syden -
Umalis na ako kaagad sa room na 'yon. Baka magbago pa ang isip ni Clyde at ano pang gawin nila sa akin. Habang naglalakad ako sa hallway, napansin kong mas lalong gumrabe ang kalagayan ng eskwela. Kahit saang banda ka tumingin, may pinapahirapan at may nagpapahirap. Tinotorture ang mga mahihina, wala silang magawa kundi umiyak na lang. Lumala ang kalagayan ng bawat estudyante, may dugo kahit saan. Sa ganitong panahon, pwedeng may manorture sa'yo kada oras. Gusto ko man silang tulungan pero may mas mahalagang bagay pa akong dapat na pagtuunan ng pansin.
Kailangan kong makausap sila Raven dahil may binabalak na masama ang Phantoms Sinners laban sa kanila.
Nagmadali akong pumunta sa lugar kung saan sila nagiistay. Although ayaw kong makita yung leader nila, mas mahalaga sa akin yung kaligtasan ni Raven. Pagkarating ko doon, nakita ko si Dave, nakasandal sa tabi ng pintuan habang nagyoyosi. Nang makita niya ako, nginitian ko siya.
Ito yung isang bagay na hindi ko maintindihan. Itinapon niya yung yosi niya at inapakan 'yon, pagkatapos tinignan niya ako ng masama. Napaatras ako dahil sa ginawa niyang 'yon. Yun ang unang beses na natakot ako sa kanya, sa mga tingin niya. Palangiti siya pero hindi niya ako nginitian. Sa halip, tinignan niya ako ng masama at pumasok sa loob.
Galit ba siya? Dahil ba sa nagawa ko kanina dahil sa galit ko sa leader nila?
Kahit natakot ako sa tingin niya, nagmadali pa rin akong pumasok sa loob. Pagkapasok ko doon, nakita ko si Dave na nakasandal sa may tapat ng bintana. Nakita ko si Dustin kaya nilapitan ko ito. Napahawak ako sa braso niya dahil hindi ako mapakali na baka may mangyaring masama sa kanila, "Pwede ba tayong mag-usap? May importante lang akon— " hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita, inialis ni Dustin yung pagkakahawak ko sa braso niya at mukhang galit siya.
"Pwede ba? Kung tungkol lang d'yan ang sasabihin mo. Huwag munang ituloy," parang nagpipigil siya ng galit dahil halata naman sa tono ng pananalita niya. Ano ba talagang problema nila?
"G-Gusto ko lang naman kayong tulunga— "
"Huwag ka na lang magpanggap na gusto mong tumulong kung sa huli, ilalaglag mo rin kami," sambit ni Dave.
Napatingin ako sa kanya at nagtaka, "A-Ako? Nagpapanggap? Teka lang! Ano bang pinagsasabi niyo? Ano ibig mong sabihin na ilalaglag ko kayo?" kanina pa ako hindi mapakali kakaisip kung anong problema nila. Hindi sila nagsalita at nanatili lang na tahimik, ni hindi nga nila ako tinitignan. Nakita kong kakapasok lang ni Carson at halatang galit din siya. Siya pa talaga yung galit ngayon?
Nagdalawang-isip muna ako kung lalapitan ko ba siya o hindi pero kanino ko pa ba sasabihin yung gusto kong sabihin kung ayaw naman makinig nina Dave at Dustin. Wala rin naman si Raven dito. Nilapitan ko siya pero hindi niya ako pinansin at nilampasan niya ako, "Ano ba talagang problema niyo?" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."