Saturday
7 am
- Syden -
Unti-unti kong iminulat ang mata ko at ilang beses na napapikit. Teka. Nasaan ba ako? Tumingin ako sa paligid. Walang tao at mukhang clinic 'to. Babangon sana ako pero bago pa man ako makabangon, biglang humapdi ang tagiliran ko. Pagtingin ko, napansin kong may sugat ako at nakatakip na parang ginamot ako.
Oo nga pala. Nasaksak ako kanina at pagkabuhat sa akin ni Raven, wala na akong maalala.
Biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako rito. Nakita ako ni Raven at napansin niyang gusto kong tumayo, "Sy? Huwag ka munang bumangon. Kailangan mong magpahinga," pinahiga ulit ako ni Raven.
May pinatong siyang plastik sa lamesa sa tabi ng higaan ko. Mukhang pagkain 'yon ah? Nakita ko rin na kasama niya si Axelle, "Okay ka na ba, Syden? May masakit ba sa'yo? Anong nararamdam mo?"
Wow! Grabe naman 'tong si Axelle, sunud-sunod talaga ang tanong niya. Concern ba siya sa akin?
"Okay naman ako. Sinubukan ko lang tumayo kaya humapdi ang sugat ko," nginitian ko sila.
"Kailangan mong magpagaling, d'ba sasamahan ka pa namin mamaya ni Axelle?" tanong ng kambal ko.
Oo nga pala. Nawala sa isip ko na may plano pala ako ngayong araw na ito kaya dapat, magpagaling ako.
"Oo nga pala. Teka! Bakit nandito pala kayo? Dba dapat nasa klasi kayo ngayon? Sabado ngayon," pag-aalala ko sa kanila. Baka dahil sa pagbisita nila sa akin, mapunta sila sa Prison Tree.
"Huwag kang mag-alala sa amin. Ang isipin mo, ang sarili mo. Okay lang ako as long as alam kong okay ka din," sabay hawak ni Raven sa balikat ko.
"S-Sige. Sasamahan niyo naman ako dba mamaya?" paninigurado ko.
Tumango silang dalawa at ngumiti. Bigla kong naalala ang ginawa ni Clyde at Roxanne sa akin sa cafeteria. Hindi ko palalagpasin ang ginawa nila. Naramdaman ko nanaman ang sakit. Hindi dahil sa pagkakasaksak sa akin, kundi sakit sa puso't isip, at lahat ng pagpapahirap ni Clyde sa akin, hindi ko makakalimutan 'yon.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."