Chapter 51

824 28 1
                                    



- Syden -


Unti-unti kong iminulat ang mga mata, as usual, maliwanag. Nagkusot pa ako ng mata dahil sa pagkasilaw. Wait. Pamilyar sa'kin tong lugar na ito ah? Huwag mong sabihing...


"Sy, buti naman gising ka na," bungad ni Raven sa akin. Tinignan ko ulit yung kisame. Nandito nga ako. Nasa clinic nanaman ako haha! Suki na ba ako ng clinic? Paano naman ako napunta dito?


Sa pagkakaalam ko, pupunta dapat ako sa stock room para kausapin siya, pero may dumukot sa akin. Pinahirapan ako nina Roxanne at Clyde, tapos sinaksak niya ako pero bakit buhay pa ako?


Dahan-dahan akong bumangon at inalalayan ako ni Raven. Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo masakit. What's new? Lagi namang may masakit sa katawan ko. Iniangat ko ang ulo at tumingin sa paligid, biglang nanlaki ang mata ko habang tinitignan ko sila isa-isa.


Anong ginagawa nila dito?! Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanigas ako sa kinauupuan at natulala.


Si Raven nasa kaliwa ko, si Axelle nakasandal sa pader. Sa kanan ko, nakasandal din siya sa may pader, si C-Carson? Sa tabi niya, correct me if I'm wrong, yung right hand niya, si Dustin. Silang apat, nakapalibot sa akin. Feel na feel ko yung temperatura, sobrang init. Nakayuko lang silang lahat habang nakasandal, pero tinitignan ko pa lang silang apat, nanginginig na ako. Naka-itim silang lahat at naka-cap pa ang mga ito.


Ano bang meron?! Anong ginagawa ng dalawang Blood Rebels dito?! May nagawa ba akong hindi maganda?!


Lumapit si Raven sa akin, "Huy! Natulala ka dyan," kinalabit niya ako kaya napansin ko siya. Bakit parang kalmado lang ata si Raven? Hindi ba siya nagtataka o natatakot dahil may dalawang Blood Rebels dito?


Napatingin silang lahat sa akin. Someone help me! Seryoso silang nakatingin sa akin pero bakit ganon? Tingin pa lang nila, pamatay na. Siguro kung kutsilyo yung mata nila, kanina pa ako nangasaksak dito. As in yung black aura nila nafi-feel ko. Mas nakakatakot sa mga Phantoms.


Aalis na sana si Raven para bumalik sa pwesto niya kanina, pero hinawakan ko yung damit niya para hilain, "Huy ano ba? Bitawan mo ko," bulong ni Raven sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.


"Dito ka lang sa tabi ko. Huwag kang aalis," pagpupumilit ko habang hinahawakan pa rin ang damit niya.


"Hindi naman ako aalis eh. Babalik lang ako sa pwesto ko," Raven dito ka lang please? Ayoko silang makita. Bakit nandito sila?


Hindi ko pa din binitawan yung damit niya, natatakot ako eh, "Bitawan mo na kasi ako," pagpupumilit niya. Ayoko! Di kita bibitawan!

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon