- Raven -
Nakaupo ako at tahimik lang habang nakatingin sa lamesa sa harapan ko. Pagkapasok ni Syden, galit niyang inihagis sa lamesa ang bag niya. Dahan-dahan akong tumingala. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko at masama ang titig sa akin. Kasama niya rin sila Icah pero hindi na sila pumasok ng kwarto at nasa labas sila habang nakatingin lang sa akin.
"Siguro naman pwede ka ng mag-explain?" mataray na sabi ng kakambal ko.
Hindi ko siya sinagot at tahimik lang ako ng ilang segundo, "Bakit hindi mo sila papasukin?" inosente kong tanong sa kanya habang tinitignan sila Icah sa labas.
"Huwag mong ibahan ang usapan Raven," sagot niya sa akin.
Tumingin ako ulit sa kanya at masama pa rin siyang nakatingin sa akin. Hindi kasi ako nakapasok ngayong araw na 'to dahil sa hangover ko kagabi. Ni hindi ko nga matandaan kung anong nangyari at kung paano ako nakauwi.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit ito at medyo mabigat din ang pakiramdam ko, "Pwede ba huwag mo akong pag-sungitan? Ang sakit na nga ng ulo ko eh!"
"Wow! Oh ayan! Natauhan ka na ba?!" sarkastiko niyang sabi, "Pagkatapos mong magpakalasing kagabi, magrereklamo ka ngayon na masakit ang ulo mo. Natural lang na sumakit talaga 'yan," dagdag pa niya.
Tinignan ko siya ng masama, "Hindi ko naman ginusto na malasing."
"Sige nga, kung hindi mo ginustong maglasing, eh bakit ka sumama sa kanila?"
Napalunok ako, "Syempre kaibigan ko si Axelle, kaya nakikisama lang ako."
"Okay lang na makisama ka. Naiintindihan ko iyon pero tignan mo naman kung tama ba o mali yung taong pakikisamahan mo," sermon niya sa akin.
"Wala namang nangyaring masama d'ba? Okay naman ako at hindi naman masamang kaibigan si Axelle."
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."