- Syden -
Pagbukas ko sa pintuan para lumabas ng kwarto, bumungad sa akin sina Raven na halatang nabigla rin, "Sy? Andyan ka pala?" tanong niya.
Tumingin muna ako sa kanilang apat at tumango, "Oo. Kanina pa akong tanghali dumating kaso nakatulog ako kaya hindi ko kayo namalayang dumating," normal kong sabi.
Pagkatapos ng nangyari kanina kay Dustin, iniwan na ako ng Phantom Sinners kaya naisipan kong bumalik na dito sa dorm para makapagpahinga.
Buti at wala silang ginawa sa akin, "Hmmm, kaya pala. Akala kasi namin wala ka pa," pagkatapos sabihin ni Raven 'yon, nagtitinginan silang lahat na parang hindi mapakali.
"Okay lang ba kayo?" tanong ko sa kanila isa-isa.
Tumango si Icah at ngumiti, "Oo. Okay lang kami."
Hindi sila makatingin ng diretso sa akin at halos nakayuko sila habang nagtitinginan, "Mabuti pa, sabay-sabay na tayong kumain sa kwarto ko, Sy. Kumain na tayo para maaga tayong makapag-pahinga," pag-imbita ni Maureen.
"Ah sige," tumango ako at tuluyang isinara ang pintuan ng kwarto. Nakatayo pa rin sila at hindi gumagalaw sa pwesto. Ano bang nangyayari sa kanila? May nangyari ba?
"T-Tara na?" mahinhing sambit ni Maureen sa amin at tumango naman sina Icah kaya nag-umpisa na kaming maglakad. Hindi sila maingay ngayon katulad dati at parang balisa sila.
Pagkapasok sa kwarto ni Maureen, umupo na kami sa lamesa matapos siyang tulungan sa paghahapag. Nag-umpisa na kaming kumain pero tahimik pa rin. Habang kumakain ako, tinitignan ko sila isa-isa. Nagtitinginan silang apat habang kumakain at hindi makatingin sa akin, tila nangungusap ang kanilang mga mata.
"May nangyari ba?" tanong ko sa kanila bago humigop ng sabaw sa isang maliit na malukong.
"W-Wala. Ano namang mangyayari?" patawang sabi ni Icah.
"Raven, ano bang nangyari sa inyo? Bakit parang ang tahimik niyo ngayon?" humigop muli ako ng sabaw habang nakatingin sa kanya. Siya naman, hindi rin makatingin sa akin ng diretso.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."