Chapter 7

1.2K 53 6
                                    


- Roxanne -


Nasa classroom lang ako ng Redblades right now. Wala naman kasi si Carson sa classroom nila kaya I don't need to be there. Nakaupo ako hanggang sa may lumapit sa akin, "Hi Roxanne. How are you?" 


"I'm the Queen as always. Anong kailangan mo, Hazel?" I asked habang magkakrus ang mga kamay.


"It's just unusual na nandito ka sa room ng Redblades," she sat down beside me habang sinasabi 'yon.


"Do you have a problem tungkol sa pagpunta ko rito?" mataray kong tanong.


Mukhang napahiya ko siya unintentionally kaya medyo lumayo siya sa akin. She's my member yet, ang tingin niya sa sarili niya ay close na kami for her to say things like that. Well, I don't consider anyone here as my friend. 


They are all just fools!


Sometimes, I'm being kind to her since kailangan ko pa siya sa Redblades. I am benefitting from her kasi, "Any information about that girl? It's Bliss Syden, right?" tanong ko.


"Definitely, yes. Base on my observation, lagi niyang kasama ang mga Silent Alliance leaders," pagtango niya.


Kinuha ko ang isang ballpen sa lamesa at pinaikut-ikot sa isang kamay ko, "So you mean, palaging nakabantay sa kanya ang mga leaders?"


"Oo." 


"What a lucky trash!" bahagya ko itong nilapitan para bumulong, "Napansin mo ba nung general assembly sa gymnasium? Lagi siyang tinitignan ni Clyde and he also mentioned na it makes him want to visit Silent Alliance, then tinignan niya ang babaeng 'yon?" hindi makapaniwalang saad ko.


"Why are you talking about Clyde!? Alam mong hindi magugustuhan ni Carson na marinig 'yan?" muntik na niyang naisigaw pero good to know na hindi niya ginawa dahil tumingin ako sa kanya ng sobrang sama.


"Are you perhaps opposing to my words?! You are so lucky na sa'yo ko sinasabi ang mga bagay na hindi mo naman deserve na marinig, kaya sa bawat usapan natin, itikom mo ang bibig mo," yumuko na lang siya dahil sa sinabi ko, but at least alam na niya kung saan siya lulugar when it comes to me.


"Watch her closely. When time comes, I'll torture her so bad hanggang sa lumuhod siya sa harapan ko para kaawaan ko siya. Understand?" pinag-taasan ko siya ng kilay at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. Tumayo na ako para iwanan siya. Simula ng makilala ko ang Syden na 'yan, madalas ng nasisira ang araw ko.


All Redblades' members, tinitingala ako, that's why I'm the queen. Two kings are fighting over me. Ganoon ako ka-importante, kaya whoever tries to steal my throne. I will make sure to make them kneel in front of me.


'Cause I must be the only queen here.


I went directly to Blood Rebels' room. Noong nakita nila ako, mula sa pagbubulungan ay natahimik sila, mabilis silang nagsitabi para magbigay ng daan. Subukan nilang hindi tumabi sa daraanan ko... just one word, mawawalan na sila ng parte sa Blood Rebels.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon