- Raven -
Pagkatapos ng kaunting tampuhan namin ni Syden, iniwanan ko siya dahil kailangan kong magpalamig. Medyo uminit kasi ang ulo ko at wala siyang kasalanan dito. Ayaw ko lang na humantong kami sa pag-aaway. Alam ko naman na mali ang iniisip ko pero hindi ko lang talaga mapigilan.
Hindi muna ako bumalik sa dorm dahil baka napainit ko ang ulo niya kaya nagpasya akong maghanap na lang muna ng lugar kung saan pwedeng magpahinga o kahit magpahangin man lang. Gusto ko rin makapagisip-isip bago ko siya kausapin ulit para humingi ng tawad sa inasal ko. As her twin-brother, I shouldn't be acting like this.
6:48 pm.
Sarado na lahat ng classrooms at medyo madilim na rin sa kabuuan ng building. Nakarinig ako ng ingay sa bandang dulo ng building kaya hinanap ko kung saan nanggagaling 'yon. Hindi ko mapigilang mabigla dahil nakakakita ako ng disco light sa labas pa lang ng pintuan ng isang kwarto kaya lumapit pa ako dahil sa pagtataka. Narating ko ang pintuan at nasilip ang loob ng kwarto. Medyo may kalakihan ito kumpara sa ibang classrooms.
Nababalot ng matitingkad na kulay ang buong kwarto, may nag-iinuman sa loob, ang iba naman, nagyoyosi at ang masaklap, may mga babaeng sumasayaw sa harap. May stage kasi roon. Kumunot ang noo ko.
Hindi ba illegal ang ganito?
Lumapit ako sa may pintuan at nakakapagtaka lang talaga kung bakit may club dito sa eskwela. Habang nakatayo ako sa harap ng club na 'to, naalala ko ang mga sinabi ni Syden. Siguradong hinahanap na niya ako ng ganitong oras. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya, siya lang ang kakampi ko pero ganon pa ang inasta ko.
Nagsisisi ako kung bakit pumasok pa kami sa eskwelang 'to. Alam ko naman na delikado dito pero wala kaming magagawa. Ilang minuto na pala akong nakatayo dito sa harapan na hindi ko na namalayan. Minabuti kong umalis na dahil siguradong nag-aalala na ang kakambal ko. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa nangyari kanina. Tumalikod na ako para umalis at bumalik sa dorm namin.
Habang naglalakad naman ako pabalik ay nakasalubong ko sina Icah sa dorm building ng Silent Alliance at ang dalawa. Malapit kami sa kwarto ni Sy, "Nasa kwarto ba si Sy?" tanong ko habang sila naman, iba ang tingin sa akin na parang may gustong sabihin. Sandali akong napatingin sa kwarto nito.
"Wala pa, hinahanap ka niya kanina eh. Hindi pa bumabalik hanggang ngayon," nag-aalalang sambit ni Maureen.
"Ahh ganon ba? Sige, hihintayin ko na lang siya," sambit ko.
Nakatingin pa rin sila sa akin at hindi kumikibo kaya nagtaka na ako, "May problema ba?" nangungusap kasi ang mga mata nila na animo'y may gustong itanong o sabihin.
"Raven, nasaan ka kanina?" tanong ni Maureen.
Nagisip-isip muna ako, "Galing ako doon sa club."
Nagkatinginan silang tatlo, "A-Anong ginagawa mo roon?" tanong naman ni Icah. Para concern ang mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."