Chapter 44

801 30 2
                                    



- Syden -


Nagising ako dahil sa narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto. Nakahiga ako at minabuti  ko munang umupo sa kama dahil inaantok pa ako.


Parang narinig kong bumukas ang pintuan? Oh baka naman nananaginip lang ako? Pero paano kung may pumasok talaga sa kwarto ko at may gawing masama sa akin?  Nakakainis din naman kasi minsan dahil kapag tinotopak ako, masyadong malawak ang imahinasyon ko.


Bumangon ako para makasigurado kung talaga bang may narinig akong pumasok. Naglakad-lakad ako para makapa ang switch ng ilaw. Nang mabuksan ko ang ilaw, nagulat ako at nanlaki ang mata dahil sa kung sino ang nasa harapan ko ngayon.


"Anong ginagawa niyo rito?!" tanong ko sa kanila.


Ang tatlong babaeng gustong magpalayas sa akin dito kanina sa dorm, nakatayo sa harapan ko at masama ang tingin nila sa akin. Ano bang problema nila? At paano sila nakapasok?


"Anong ginagawa niyo dito?! At paano kayo nakapasok?!"


"Dba sinabi namin sayo na gagawin namin ang lahat para lang mapaalis ka dito?" sagot nila sa akin. Nakuha pa talaga nila akong tarayan. Buti sana kung maganda sila.


Hinawakan ako ng dalawa at nasa gilid ko sila. Ang isa naman, nasa harapan ko at tinakpan niya ng panyo ang bibig koMukhang alam ko na kung anong gagawin nila sa akin. Naisip ko na, na mangyayari 'to kaya hindi na ako dapat pang magtaka.


Kinaladkad nila ako palabas ng building. Pumapalag ako pero tatlo sila kaya wala akong laban. Hindi rin naman ako makasigaw kasi tinakpan nga nila ng panyo ang bibig ko. Kung hawakan nila ako, parang mababalatan na ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa akin.


Binuksan nila ang gate at itinulak ako palabas kaya nasubsob ako sa sahig. Unti-unti kong iniangat ang ulo at halos lahat ata ng members ng Silent Alliance, nakapalibot sa akin. Masama ang tingin nila at ang iba naman, takot sa akin dahil kitang-kita ko naman 'yon sa mga mata nila.


"Hindi ka nararapat dito!"


"Magdadala ka lang ng gulo sa Silent Alliance kaya mas mabuting umalis ka na!"


"Dapat hindi ka na manatili dito! Kaya umalis ka na!" sunud-sunod nilang sigaw sa akin. Naririndi na nga ako sa kanila habang tinitignan ko ang mga ito.


Alam ko naman na deserve ko talagang mapaalis dito eh. Wala naman silang alam kaya wala silang karapatan na sabihin sa akin 'to. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila ang totoong rason kung bakit nasa Phantom Sinners ako, ginawa ko na.


"Oo na! Aalis na ako, okay?! Masaya na ba kayo? Aalis na ako oh, nakikita niyo naman dba?!" sigaw ko sa kanila na tumayo at naglakad palayo.


Ayaw ko naman talagang umalis, epal lang talaga yung tatlong babaeng 'yon. Sigurado akong sila ang dahilan kung bakit pinagtutulungan ako ng mga members.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon