Isang malakas na tunog ng alarm clock ang siyang nakapag-pamulat ng aking mata. Napahikab ako hanggang sa may maalala. Isang masamang panaginip ba 'yun? Yung patay na lalaki mula sa kabilang bahagi ng pader? Nakakapagtaka, kung totoo man, paano mangyayari 'yun? Hindi ko maiwasang matawa. Marahil ay kathang-isip lang 'yun, 'di ba?
Tinignan ko ang oras at pinatay ang alarm clock na nasa side table ng kama ko. Kasalukuyan pa rin kasi itong nag-iingay. 6:48 am na pala. Agad akong bumangon upang maligo at maghanda.
Magulo man ang kwarto, pero swerte't wala ang mga magulang ko, kundi ay siguradong sermon ang abot ko sa kanila, pero okay lang, dahil sa wakas, ako lang mag-isa dito. I have no parents to reprimand me.
"Syden! Bilisan mo, male-late na tayo!" sigaw ng isang lalaki mula sa labas ng kwarto pagkalabas ko pa lang ng banyo.
"Sandali, kakagising ko lang!" sigaw ko sa inis na tono. Hindi ako makakapag-ayos nito dahil sa presensya niyang nakakasira ng araw.
Inilagay ko na lang ang suklay ko sa bag at ginamit na lang ang kamay upang gawing panuklay. Bigla akong napahinto sa harap ng salamin nang mapansin ang iba't ibang haba ng buhok ko. May mga bahagi na iba-iba ang haba ngunit sa labas ay halos hanggang balikat lang. Sa loob naman ay medyo mahaba pa rin, umaabot pa rin naman ang haba nito hanggang bewang. Mukha man akong bagong gupit ngunit sa magulong paraan.
This is all Mrs. Lim's fault. That fat woman.
"Syden, ano ba?! Male-late na tayo!" sigaw ng magaling kong kakambal mula sa labas. Halos kabugin na niya ang pintuan. Mabilisan kong kinuha ang bag, isinuot ang sapatos, at binuksan ang pinto.
"Bakit ba ang tagal mo? Kahit kailan talaga, napaka-kupad," tanong niya sa inis na paraan at halatang inip na. Buti sana kung mabilis siyang gumalaw, pareho lang naman kami.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko o sadyang bingi ka lang talaga? Kakagising ko lang," itinulak ko siya para makapag-lock na ng pinto ng kwarto. Paharang-harang kasi ang lalaki na 'to.
"Kasalanan ko ba kung late ka nagising? Tapon mo na alarm clock mo kung tinutulugan mo lang din. Isa pa, kauma-umaga, naka-busangot ka?" tanong niya na halatang sinasabayan din ang inis ko.
Matapos kong i-lock ang pinto. Tumalikod ako para harapin siya, "Kakagising ko lang tapos nagsisisigaw ka na sa labas ng kwarto ko, hindi ka pa nakuntento at halos wasakin mo na ang pinto. Kahit sino naman, mawawala sa mood, dba? Nag-iisip ka ba?" inis kong sagot, pero sa mukha niya, tila tuwang-tuwa naman ito. Bakit ba naging kakambal ko pa 'to?
Nawala ang ngiti niya nang biglang masilayan ang aking buhok. Mukhang nabahala siya pero ayaw kong tanungin niya ako tungkol dito. Alam niya ring wala ako sa mood dahil sa kagagawan niya kaya siguro hindi na muna siya nagtanong tungkol sa aking buhok.
"Sino ba kasi yung nagseset ng alarm tapos kapag tumunog, pinapatay din? Sino ngayon ang nag-iisip sa atin, huh?" nilapitan niya pa ako para lang ipamukha 'yon.
Sa inis ko, sinipa ko siya sa gitna at mukhang napa-sobra yata dahil namula ang mukha niya habang nakayuko, "Aww!" ungol niya sa sakit habang nakahawak sa gitna ng kanyang mga hita, at dahil kontento na akong nagdusa siya, iniwan ko na ito.
Umalis na ako sa building kung saan kami nagdodorm para lumabas at lumipat ng kabilang building kung nasaan ang classroom namin. Medyo malayo ang distansya nito sa dorm building namin.
Laking pagtataka ko na lang dahil sa tuwing dumaraan ako ay tahimik lahat ng estudyante sa tuwing nahahagip nila ako. Nagkukwentuhan sila sa umpisa at biglang magbubulungan habang hindi bumibitaw ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali. Kakaiba ang kilos ng lahat. Dahil ba sa buhok ko?
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."