- Syden -
Naglalakad ako sa hallway para bumalik na sa dorm namin at makapag-pahinga na ako. Sa patuloy kong paglakad, nakayuko lang ako, ni hindi ko nga maitingala ang ulo ko dahil sa kahihiyan tungkol sa nangyari kagabi sa cafeteria, pero hindi lang naman 'yon ang dahilan kung bakit nahihiya na ako. May isa pa. Simula pagpasok ko kaninang umaga, pinagtitinginan nila ako. Bawat makakasalubong o malalapitan ko, lumalayo na parang takot na takot sa akin. Samantalang ang iba naman, nagbubulungan na parang pinag-uusapan ako.
Ano nanaman bang problema nila sa akin? Tsk! Mga chismosa talaga, kalat na kalat. Pag-chismisan ba naman ako.
Hanggang ngayong dismissal, pinag-uusapan pa rin nila ako dahil naririnig ko ang pagbubulungan nila habang nakatingin sa akin, "Totoo nga, na member siya ng Phantom Sinners! But how?!" dinig kong pag-uusap nila habang dumadaan ako sa tapat nila.
"I can't believe this! A girl member of Phantom Sinners?! She must have done something para makapasok sa group ni Clyde!"
Haha! Kalokohan! Eh kung kayo na lang kaya rito sa posisyon ko para malaman niyo ang hirap sa kamay ng Phantoms?
"At first, hindi ako naniwala dahil baka usap-usapan lang but, I was wrong."
"Ano naman kaya ang ginawa niya para makapasok sa Phantom Sinners?"
"She might be flirting with the members of Phantoms Sinners or maybe Clyde?"
Flirting daw?! Haha bitch please!
"Maybe she joined them just because she wanted to have power, to control us!"
Kontrolin mo mukha mo!
Habang naglalakad ako, 'yon lang ang naririnig ko sa mga estudyante. Gustung-gusto ko silang patulan pero pinipilit ko ang sarili ko na umiwas sa gulo dahil pagod na pagod na akong maparusahan at mapahiya sa harapan ng mga tao.
Ipinikit ko na lang ang mata ko bago ko binilisan ang paglalakad, hanggang sa tumakbo na ako para makalayo sa kanila. Nakakarindi na rin kasi ang mga boses nila kaya ayaw ko ng pakinggan ang mga sinasabi nila tungkol sa akin.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."