- Carson -
Hindi ko naman hahayaan na maging masaya sila sa harapan ko. Humanda sila. Pumunta ako sa may pintuan at pabagsak na binuksan 'yon para marinig talaga nila. Nilapitan ko silang dalawa at halatang nabigla sila. Talagang mabigla na kayo! Hindi ko palalampasin ang panloloko niyo sa akin!
"C-Carson?! A-Anong... ginagawa mo dito?!" nauutal na tanong ng magaling kong girlfriend. Nilayuan nila ang isa't-isa, pero kanina ay dikit na dikit sila, hindi nga mapaghiwalay. Nakaistorbo ata ako haha t*ngina!
"Mukhang nakakaistorbo ata ako sa moment niyong dalawa?"
Tinitignan ko sila ng masama. Mamatay na kayo sa tingin. Kung pwede ko lang talaga kayong patayin gamit ang mata, kanina ko pa ginawa.
Hindi sila nakakibo at halatang gulat na gulat. Hindi kasi nila inexpect na pupunta ako. Sana sinabihan ko sila para naman napag-handaan nila ang pagdating ko. Nagpa-invitation sana sila para expect nila na dadating ako. Hayop sila.
Nilapitan ko si Clyde at hinawakan ng mahigpit ang kwelyo niya, "Alam ko na ang pinag-gagagawa niyo! Hayop ka, Clyde!" sinuntok ko siya kaya nasubsob siya sa sahig.
Bawat nakakatayo siya, sinusuntok ko. Isang napakalakas na suntok, pero ngayon, hindi pa man siya nakakatayo, tinatamaan ko na ng paulit-ulit. Galit na galit ako kaya natural lang na gawin ko 'to. Dumudugo na ang labi niya at tinulungan siya ni Roxanne,
"Tama na!" hinarangan niya ako. Hinawakan niya si Clyde at tinulungan para makatayo. Harap-harapan talaga akong ginagago ng babaeng 'to.
"Pagkatapos ng ginawa niyo sa akin! Sasabihin mong tama na!? Ang sakit lang eh! KASI HARAP-HARAPAN MO KONG NILOLOKO! ANO HA?! Lantaran na rin ba ang kalandian mo sa mismong harapan ko pa?!" bigla niya akong sinampal. Natawa na lang ako. Ako pa ata ang nag-mukhang masama dito.
"Bakit ba?! Bakit Roxanne?! Saan ba ako nagkulang?! Binigay ko lahat sa'yo! Alam mo 'yan. Tapos... ganito na lang? Ito ang igaganti mo sa akin?!"
"Hindi siya nanghingi sa'yo, kusa mong binigay sa kanya lahat dahil umasa ka na mahal ka niya. Isa pa, never siyang naging sa'yo. Simula umpisa, akin na siya. Inagaw mo lang siya sa aki— " hindi pa man natatapos si Clyde, sinuntok ko ulit siya.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."