- Syden -
Nagtinginan silang lahat sa may pintuan kung saan nakatayo ang mga Phantom Sinners. Pumunta ang mga Phantoms sa tabi ng Redblades at mukhang mag-uusap sina Roxanne at Clyde. Siguradong may balak nanaman silang hindi maganda sa akin.
"What is this all about? At anong nangyari sa kanya?" sabay tingin sa akin ni Clyde habang kausap niya si Roxanne.
"Well..." tinignan ako ni Roxanne at hinarapan niya ulit si Clyde, "Your girl member did something terrible to my boyfriend. We're just teaching her a memorable lesson, para naman matuto siya. Kulang kasi sa disiplina ang mga members mo, kaya nararapat lang sa kanya 'yan,"
Ako pa ngayon ang walang disiplina?! Wow ha! At hindi na ako aasa na maisasalba ni Clyde ang buhay ko dahil sigurado namang hahayaan niya lang si Roxanne.
"Binigyan ko na siya ng leksyon para malaman niya kung saan siya dapat lumugar, pero parang hindi siya natututo." -Clyde
Galing niyo! Ang galing, sobra! Tinignan ako ni Clyde ng masama at tumango siya, "I want this day to be memorable. The day she won't forget for the rest of her life. The most painful lesson for her," sambit ni Roxanne. Malakas ang boses niya kaya siguradong dinig sa buong cafeteria ang mga sinasabi nito. Pinagtulungan pa talaga ako ng dalawang 'to. May araw din sila.
Nilapitan ako ni Clyde at tinignan ko lang siya ng masama, "Hindi ko man alam kung anong ginawa mo pero alam mo ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to," bulong niya sa akin.
Alam ko naman na mahal mo si Roxanne kaya sumusunod ka sa gusto niya. Kung pwede ko lang ipagsigawan sa kanya ang nasa isip ko, ginawa ko na. Pero ayaw ko lang na mas lalo pa akong mahirapan kaya mananahimik na lang ako.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."