- Syden -
Pagkalipas ng isang linggo, kumalat sa buong campus ang tungkol sa Black Vipers. Alam na ng lahat ang naging dahilan kung bakit nabuwag ang grupong Blood Rebels. Naging usap-usapan 'yon sa campus, pero hindi pa rin nawala ang kasikatan nina Roxanne at Clyde, lalung-lalo na si Carson.
Sa pagdaan ng bawat araw na kasama ko sila, may mga oras na nagiging masaya at may oras ding kinakatakutan ko sila. Oo, natatakot ako minsan, pero kahit kailan, hindi nila ako sinaktan. Tinrato nila ako na parang kaibigan. Si Carson, ganon pa din, as usual, sinusungitan ako at cold pa rin siya sa akin. Nakikita kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya at galit na galit sa nangyari.
Marami na ring mga grupo ang kumalaban sa Black Vipers pero palagi ko silang pinagtatanggol kahit alam kong delikado dahil nga gusto kong bumawi sa kanila. Isa kasi sa rules ng Viper's group ay iiwasan na muna nilang makipag-away sa iba pang grupo kaya ngayon, nananahimik sila. Nagiging successful naman yung pagtatanggol ko sa kanila pero ang ending, ako yung hinahunting. Yung tungkol naman kay Clyde, alam niya na kasama ko ang Black Vipers, pero hindi ko lang alam kung bakit wala siyang ginagawa. Hindi ko muna iisipin 'yon.
Gumising ako ng maaga para magluto. Since dito muna ako nakatira, pinagseserve ko ang Black Vipers kasi sabi ni Carson, dapat daw ay may kapalit ang pagtira ko rito sa tulugan nila, kaya gumigising ako ng maaga para ipagluto sila ng almusal.
Pumunta na ako sa kusina nila, na madumi at magulo noon dahil hindi nila ginagamit, kaya inayos at nilinisan ko. Kinuha ko yung binili kong bacon at egg kahapon sa cafeteria para sa almusal nila, kaya niluto ko na, pagkatapos ay inihapag ko 'yon sa lamesa na nilinisan ko rin. Kainis nga eh. Parang katulong nila ako. Ako palagi ang naglilinis dito, kahit saang sulok ng tambayan nila na naging tulugan na namin.
Ready na ang lahat at sila na lang ang hinihintay ko. Sakto namang tumingin ako sa pintuan, nakita ko sina Dave, Raven at Dustin, "Sarap ata ng tulog niyo ah?"
Ngumiti sila habang papalapit sa lamesa, "Naamoy kasi namin ang masarap na almusal kaya nagising kami," wika ni Dustin. Umupo na silang tatlo kaya umupo na rin ako. Sakto gutom na rin kasi ako.
Nag-uunahan yung tatlo para doon sa bacon. Excuse me, ang dami ko kayang niluto tapos mag-aagawan lang sila. Kumuha na lang ako ng pritong itlog kasi gutom na ako. Alanganaman panuorin ko pa silang mag-away dahil sa bacon. Duh.
"Akin yan."
"Pero ako ang nauna!"

BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."