Chapter 36

820 33 1
                                    


- Clyde -


Mas gusto kong mapag-isa sa tuwing nag-iisip ako kaya pinalabas ko muna ang mga myembro ko. Hindi pa rin kasi talaga mawala sa isip ko ang ginawa ni Carson kay Syden. Siya pa talaga ang nagtali ng panyo sa braso ni Syden?


Habang nakaupo, bigla kong narinig na bumukas ang pintuan kaya napatingin ako rito, "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Steven. He's actually my right hand sa Phantom Sinners.


Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako ng masama habang nakangisi, "Ikaw dapat ang tinatanong ko kung bakit mag-isa ka lang," sambit niya.


Ngumiti lang ako ng masama at tumingin sa bintana, "Let me guess," dagdag niya kaya napatingin ako sa kanya, "Iniisip mo pa rin ba kung bakit ginawa ni Carson 'yon kay Syden?"


Natawa ako at nagbuntong-hininga, "Oo. Kaya nga nananahimik ako d'ba? Because I was observing him, at sa tingin ko, alam ko na kung bakit niya ginawa 'yon kay Syden."


Hindi porke nananahimik ako, wala na akong ginagawa, at dahil sa pag-oobserba ko kay Carson, parang alam ko na kung ano ang pinaplano niya.


Alam niyang may sikreto akong tinatago kaya nilalapitan niya si Syden para malaman ang sikreto ko. Sa tagal na naming nasa PS, kilalang kilala ko na ang bawat kilos at galaw niya.


"Plano niyang lapitan si Syden para malaman ang sikreto ko," sambit ko.


Pero ng dahil sa sinabi ko, nagtaka siya, "Sikreto? What secret?"


Wala naman kasing nakakaalam na may relasyon kami ni Roxanne, kami lang ni Roxanne ang nakakaalam at sa hindi inaasahan, pati si Syden,.nalaman niya dahil narinig niya kaming nag-uusap ni Roxanne.


"It's something na hindi mo dapat malaman," pahayag ko.


Natahimik siya sa sinabi ko habang nakaupo pa rin, "So, anong plano mo sa Blood Rebels ngayon na nalaman mong nilalapitan nila si Syden para malaman ang sikreto mo?"
tanong niya sa akin.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon