Chapter 10

1K 42 3
                                    


- Icah -


Kinaladkad kami palabas ng building ng mga myembro ni Clyde, habang si Syden naman, naiwan doon sa loob na duguan, maraming sugat at naghihirap, "Bitawan niyo kami! Anong gagawin niyo sa kapatid ko ha?!" pagwawala ni Raven nang itulak nila kami palabas ng building na ikinadapa namin.


Halatang galit na galit siya dahil nakikita namin iyon sa itsura niya. Hindi siya pinansin ng mga Phantom Sinners at isinara nila ang gate para siguraduhing hindi na kami makakapasok, "A-Ano bang nangyayari?! Bakit hawak nila si Syden?! Ano bang kasalanan ang nagawa niya?!" kinakabahang tanong ni Hadlee.


Tumayo at lumapit si Raven doon sa gate at pinagsisipa niya na animo'y gusto niyang sirain. Nagwawala siya at pulang-pula na ang mukha sa galit, "Raven. Pwede ba tumigil ka muna?" pakiusap ni Maureen. Sabay-sabay kaming tumayo at pinagpag ang pang-upo.


Tumingin siya ng masama kay Maureen, "Paano ako titigil kung nasa loob ang kapatid ko at naghihirap?! Sabihin niyo nga sa akin! Paano, ha?!" sigaw niya.


"Makinig ka, Raven. Lahat tayo gusto natin siyang iligtas dahil nakita natin ang kalagayan niya, pero hindi sa ganitong paraan. Malakas ang Phantom Sinners at hindi mo sila matatalo, kaya umayos ka para makapag-isip tayo ng magandang paraan kung paano natin ililigtas ang kapatid mo ng walang napapahamak ni isa sa atin!" galit kong sabi sa kanya.


Hinawakan niya ang ulo na para bang hindi alam ang gagawin, "Kasalanan ko 'to!"


Hinarapan niya kami, "Bakit niya kailangang sumali sa grupong 'yon?!" sabay turo nito sa loob na halatang hindi makapaniwala. Kitang-kita namin ang pagtulo ng dugo sa leeg niya dahil sa kagagawan ni Clyde, parang wala lang 'yon sa kanya at mas iniisip si Syden.


Nilapitan siya ni Maureen para kausapin dahil hindi niya matanggap ang nangyari kay Syden habang kaming lahat ay nag-aalala. Kahit gusto namin siyang matulungan, hindi namin alam kung paano.


Sa ngayon, kailangan muna naming tulungan si Raven dahil baka may gawin din siyang hindi maganda at mapahamak ito. Halata naman na kinakain na ito ng emosyon niya, "Raven. Isipin mo ang kalagayan ni Syden sa grupong 'yon. Ginusto niyang umanib sa kanila hindi dahil gusto niya. Sumali siya sa kanila para mailigtas tayo, lalo ka na," sabi sa kanya ni Maureen.


"Pero papahirapan nila siya!" -Raven


"Mas papahirapan nila siya kapag basta basta na lang tayong pumasok sa loob." -Maureen


Ilang segundo ang lumipas, tahimik lang lahat kami sa harapan ng building kahit madilim na at lumalamig ang hangin, nag-iisip ng malalim kung ano ang nararapat na gawin. Nakatayo kaming tatlo at nakatingala sa building. Naupo naman si Raven sa mismong tapat ng gate at doon sumandal.


Sana okay lang si Sy sa loob pero dahil kasama namin siya araw-araw, alam naming hindi siya susuko sa kahit na anong laban. Maililigtas ka rin namin Sy, maghintay ka lang at huwag kang mawalan ng pag-asa.


Tumingin ako kay Raven na sobrang tahimik, dumudugo pa rin ang leeg niya dahil sa kutsilyong ginamit sa kanya ni Clyde kanina para takutin si Syden, "Gamutin muna natin ang sugat mo Raven," sambit ko rito. Halos walang lumabas na salita sa bibig namin kanina dahil sa pagkabigla na makita sa ganong sitwasyon si Syden.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon