Chapter 24

94 6 0
                                    


(This is an added chapter under new revision.)

- Syden -


Pagkaakyat ko sa stage ay kusa akong natigilan nang mapansin ang kabuuang flooring nito. Hindi man puno ng mga matitilos na pako tulad sa baba, ngunit punung-puno ito ng bahid ng dugo. Nag-uumpisa ng manginig ang aking katawan ngunit ininda ko 'yon dahil sa ngayon, wala ng iba pang mas mahalaga kundi ang mailabas ko ang kakambal ko sa lugar na 'to.


Pinili kong daanan ang duguang sahig na ngayon ay mamasa-masa pa at halatang sariwa. Medyo madulas ito ngunit hindi ko nagawang magdahan-dahan dahil patakbo kong nilapitan si Raven. Halos madulas ako ngunit nakuha ko rin naman agad ang balanse kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa flooring. Ni ang mga sugat ko sa paa bunga ng mga pako ay hindi ko ininda.


"Raven," pagtawag ko nang makarating sa harapan niya. Dinig ko pa rin ang pagbubulungan ng mga estudyante sa baba habang nakatingin sa aming gawi.


Nakayuko siya. Nakatali ang mga kamay at paa. Puno siya ng pasa sa katawan at may mga sugat. Tumutulo ang dugo sa iba nitong sugat habang tuyo na ang karamihan. Pawis na pawis siya at kahit nakayuko, halatang hinihingal. Dahan-dahan niya akong tiningala at halos mapatakip ako ng bibig nang makita ng malapitan ang kanyang mukha.


Basang-basa ang kanyang buhok. May mga sugat sa mukha at iilang pasa. Ang kanang-pisngi nito, dinurugo. Mukhang ginamit ang dulo ng kutsilyo para markahan 'yon ng 'X.' Pamilyar na pamilyar sa akin ang letrang 'yon.


Una, nakita ko kung paano guhitan ng letrang X ang babaeng nakita ko sa hagdanan kaninang Silent Grave. Pangalawa, ang mga estudyanteng nanggulo sa cafeteria. Lahat sila ay may 'X' sa kanang-pisngi.


"Sy," bumalik ako sa reyalidad nang mahina akong tinawag ni Raven.


"Raven," lumuhod ako para tapatan siya. Hinawakan ko ito sa mukha gamit ang mga kamay at tinignan ang kanyang kabuuan. Ganon na lang ang aking panlalambot nang makita ng maayos ang kanyang sitwasyon. Hirap na hirap siya, hindi makagalaw. Puno siya ng dugo na halatang pinahirapan.


"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na."


Nakuha ko siyang tignan at umiling, "Hindi. Hindi kita iiwan dito. Ilalabas na kita rito, okay?" ramdam ko ang pagtutubig ng aking mata. Ang hirap pala. Ang hirap na makitang nasa ganito siyang sitwasyon. Kung ako, kaya kong tiisin lahat ng matatanggap kong paghihirap dito sa lugar na 'to, pero kapag ang kakambal ko na pala, hindi. Hindi ko kaya.


"Umalis ka na. Iwan mo na ako, baka madamay ka pa, Sy."


"Hindiiii," pag-iling ko, "Sinong may gawa sa'yo nito? Ha?" muli kong tinignan ang kanyang kabuuan, "Sina Clyde ba, ha? Carson? Roxanne? Sino, sabihin mo sa akin," maski ang pananalita ko ay nanginginig na rin, kasabay ng aking mga kamay.


"Hindi ko alam. Hindi ko sila kilala," pag-iling niya hanggang sa tuluyan akong manlambot nang makita ang iilang butil ng luhang tumulo sa kanyang mata, "Umalis na tayo rito, Sy. Alisin mo na ako rito," saad niya.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon