Chapter 35

928 38 5
                                    


- Syden -


Tuesday na.


Ilang araw na lang at hindi ko na kailangan pang pumasok sa classroom na 'yon, kaya kailangan ko na lang talagang magtiis lalo na't hindi ko alam kung ano nanaman ang gagawin nila sa akin. Ayaw ko ng pumasok pero mas ayaw kong maitali nanaman sa punong 'yon.


Habang naglalakad ako sa hallway, maingay pa rin at walang pagbabago. Hindi ko rin alam kung bakit pinagtitinginan ako ng iba na para bang may issue ako. Meron ba? Sa pagkakaalam ko lang ay hindi na ako masyadong nakapag-ayos ng sarili kanina bago lumabas ng kwarto.


Pake ba nila? Kaya hinayaan ko na lang silang pinagtitinginan ako. Baka nagagandahan lang sa akin.


Pagkadating ko sa classroom, nakabukas ang pintuan kaya dire-diretso na lang akong pumasok. Minabuti kong hindi na tignan isa-isa ang mga kasama ko rito sa loob para hindi na rin masira ang mood ko, gustung-gusto ko kasi talagang magpahinga ngayon.


Umupo ako kaagad ng makakita ng bakanteng upuan sa gilid, malapit sa bintana. Inilagay ko sa tabi ang bag at sumukob sa lamesa, pero dahil maingay at naiinitan ako. Umupo ako ng maayos at tumingin sa paligid.


Wala pa rin si Nash. Nasaan na kaya 'yon?


Simula nung araw na nagpakilala siya sa akin, hindi na siya nagpakita at nag-aalala ako para sa kanya. Baka may nangyari ng masama doon.


Habang iniisip ko kung nasaan si Nash, dumating ang isang estudyante na may hawak na papel at ipinatong sa mesa, attendance ito kaya tumayo na 'ko para pumirma. Total, pwede namang lumabas ng classroom, kaya susubukan kong pumunta sa rooftop dahil baka nandoon si Nash.


Pagkatapos pumirma ng mga kaklasi ko, bumalik sila sa upuan nila. Ang iba naman lumabas, pero hindi ko pa rin dapat kalimutan na bawal pumunta sa ibang classroom.


Bukod pa roon, ang mga tatlong leaders, naiwan sa classroom, kasama ang mga members nila. Nasa harapan ako at naisipan kong dumaan na lang sa backdoor ng classroom.


Habang kinukuha ko ang bag, nakita kong tumayo si Carson, kaya nagmadali ako dahil mukhang papunta ito sa kinatatayuan ko.


Ng magkasalubong kami, naramdaman kong idinikit niya ang kamay niya sa palad ko na parang gustong hawakan ang kamay ko, pero kaagad ko ring iniwasan 'yon, kaya napaatras at napatingin ako sa kanya dahil sa pagkabigla.


Nakatingin ako sa kanya at siya naman, normal lang na nakatingin sa akin. Nakita rin ng iba ang ginawa niya kaya nakatingin sila sa aming dalawa. Nang-aasar ba siya o ano? Para hindi na magkagulo, umalis na lang ako kaagad at iniwanan sila.


Bakit niya ginawa 'yon? Hibang na ba siya?


Nang tignan ko siya kanina, parang hindi siya nakakatakot at naawa nanaman ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin na parang may tinatanong. Kakausapin ko sana siya pero alam kong nakita rin nina Clyde at Roxanne ang ginawa niya, kaya umalis na lang ako para hindi na magkagulo. Magka-silent grave pa ng wala sa oras at ako pa ang sisihin ng iba.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon