Chapter 41

798 34 6
                                    


- Raven -


"Umalis na tayo. Baka maabutan pa tayo ni Mrs. Lim at ipahuli tayong lahat," sambit ni Axelle sa akin habang inaalis ko ang mga bakal na nakakabit sa kamay ko. Mabuti naman at hindi pa nai-lock ng mga guard kanina ang mga bakal na 'yon kaya kaagad kong naalis.


Tumayo na ako at bago kami lumabas, sumilip muna ang isa sa mga kasama ko sa labas. Nang masiguro niyang walang tao, sinenyasan niya kami para lumabas. Naunang lumabas ang mga kasama ko at nasa pinakahuli ako, si Axelle naman, nasa harapan ko.


Tahimik sana akong maglalakad dahil baka may makakita sa amin. Napansin kong normal lang silang naglalakad na parang sigurado silang walang makakakita sa amin.


"Bro, hindi ba dapat tayong maglakad ng tahimik para walang makakita sa atin?" bulong ko kay Axelle kaya napatingin siya sa akin.


"Ano ka ba? Okay lang. Wala namang makakakita sa atin. Isa pa, naka-disable ang mga CCTV kaya hindi malalaman ng council lalo na si Mrs. Lim na natakasan mo ang parusa mo," saad niya habang relax na relax sa paglalakad.


"Ha?! Bakit naka-disable?" paano nila nagawa 'yon?


"Obvious ba? We disabled it bago kami pumunta dito para hindi kami mahuli," pagmamayabang niya.


Tingin ko, meron talagang mali sa tropang nasalihan ko, pero okay naman sila at mukhang normal na grupo lang kung titignan. Kasamahan talaga sila ni Axelle, nasali lang ako.


Sa paglalakad namin, nakikita kong papalapit na kami sa exit ng building kung saan maraming guwardya, pero ang mga kasama ko, walang pag-aalinlangan at tuluy-tuloy pa rin sa paglalakad.


Ng makalapit na kami sa exit, nabigla ako at nanlaki ang mata ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Nakalabas na silang lahat at naiwan ako sa loob pero napansin nila ako kaya nilapitan ako ni Axelle. Nakatingin ako sa mga guards na walang malay at nakahandusay lahat sa sahig.


"Bro, anong nangyari dito?" tanong ko kay Axelle habang siya rin, tinitignan niya ang mga guards na walang malay.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon