Chapter 20

932 39 5
                                    


Bumaba na ako mula sa rooftop para pumasok sa classroom. Mahapdi pa rin ang pagkakapaso sa akin kanin, maski ang sugat na natamo ko kay Nash pero napag-isipan kong mamaya na lang gamutin after class dahil gusto kong magpahinga na muna.


Nakabukas ang pintuan ng classroom pero hindi muna ako pumasok kaagad dahil inalala ko muna ulit ang sinabi sa akin ni Nash. I just have to act well. Kailangang mapapaniwala ko silang lahat na pinarusahan ako ng Phantoms, lalo na si Clyde. Kapag daw kasi nalaman ni Clyde na hindi ako naparusahan, siya raw mismo ang magbibigay ng parusa sa akin.


Hindi ko gugustuhin 'yon.


Minabuti kong humakbang na papasok sa classroom. Tumahimik sila nang makita ako. May kanya-kanya pa rin silang grupo. Ang iba ay nakatayo, ang iba naman ay nakaupo tulad ng tatlong liders. Pansin kong wala ang mga Phantoms.


Alam kong kitang-kita nila ang mga pasa ko sa katawan at dahil napagod din naman ako sa pagbaba sa hagdanan kanina, kasalukuyan akong pinagpapawisan. Naglakad ako na nanginginig ang isang hita dahil sa ginawa ni Nash. This is not acting though. Tinignan ko si Clyde na nakaupo pa rin sa likuran ko at nakangisi siya.


Kung pwede lang na suntukin at tadyakan siya ngayon, ginawa ko na. This is all his fault. Demonyo siya.


Pagkatapos ko siyang tignan, inilipat ko naman ang paningin kay Roxanne na ngayon ay nakangiti rin ng masama habang si Carson naman, tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa gilid ko.


Ano ba talagang tinitignan niya? Wala naman siguro siyang nakikita sa gilid ko na hindi ko nakikita no?


Nag-umpisa na ang ingay sa loob ng classroom kaya umupo na ako para makapag-pahinga. Ilang minutes na lang naman, break time na kaya magrerelax muna ako. Bigla kong naalala si Nash. Napatingin ako sa harapan. Wala siya ngayon dito sa classroom at mukhang hindi pa bumabalik. There was not even a guy na naka-hood sa harapan. Tinignan ko isa-isa ang mga kaklasi ko pero hindi siya mahagip ng aking mata.


Saan naman kaya siya nagpunta?


Habang maingay ang buong classroom, naririnig kong ang matamis na usapan ng dalawa sa likuran ko. Sina Carson at Roxanne. Mukhang ikatutuwa ko kung titignan ko ang reaksyon ni Clyde kaya ngumiti muna ako bago siya hinarapan.


Tumingin ako ng normal sa likod na parang tinitignan ko lang ang buong classroom, pero si Clyde lang talaga ang pakay ko. Nakikita ko ang itsura niya ngayon dahil mahina man ngunit dinig ang boses nina Roxanne at Carson na parehong tumatawa.


"Well, can't you believe it?" natatawa si Roxanne.


"Yes, yes but I actually liked what you did back then," sagot ni Carson.


"I was just thinking of Redblades back then kasi."


"I think you should. They were the reason you were here in the first place. You should take care of them."

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon