- Syden -
Finally, we're out of Outsider's room. Okay na raw sabi ni Maureen kaya nagsilabasan na lahat ng estudyante. Tinanong ko sa kanya if okay lang ba na magtago kami everytime na may silent grave, mas mainam daw 'yon base kay Icah kahit pa class hours kasi daw yung mga teachers, walang magawa lalo na't nagrerebelde na raw ang mga estudyante. Wala rin silang magagawa kung sakaling magkagulo man.
I could say that the council is really a terrible one. This place is more terrible than a prison itself.
Sumunod kami kila Icah papasok sa isang building, papunta sa classroom nila dahil hindi naman namin alam kung saan kami dapat pumasok. Kasama rin namin si Maureen, "Icah? If makarating na tayo sa classroom ninyo, paano namin malalaman ni Raven kung saan ang classroom namin?" tanong ko sa kanya.
Sandali siyang tumingin sa amin dahil nasa harapan namin sila ni Maureen, "Every Saturday and Sunday lang magturo ang mga teachers dito, pero kailangan mo pa ring pumasok para sa attendance. If hindi ka papasok, tiisin mo ang paghihirap sa Prison Tree."
At anong Prison Tree nanaman ang tinutukoy niya?
"Ha?! So you mean, required pa rin na pumasok kahit walang teacher? At bakit naman weekends lang sila nagtuturo?!" gulat kong tanong. So weekends may pasok pa rin?
"Yes, required pumasok kahit walang teacher, and ikaw ang bahala kung saang classroom mo gustong pumasok, kahit iba-ibang classroom ang pasukan mo araw-araw pwede, basta ang importante magpa-attendance ka. Masanay na kayo. Pagdating dito, lahat ng imposible nagiging posible," dire-diretso lang siya sa paglalakad habang kami naman ni Raven, nagpapalitan ng tingin. Marami kaming nakakasalubong na mga estudyante.
Tatanungin ko pa sana si Icah tungkol sa Prison Tree na tinutukoy niya kanina pero hindi ko na nagawa. Prison School? Isang eskwelang ginagawang weekdays ang dapat na weekend.
I mean, eskwela ba 'to? Every Saturday and Sunday lang nagtuturo ang mga teachers tapos kahit anong room pwede mong pasukan? Ang clinic ay nakabukas lang tuwing Saturday?
This is insane!
Hindi ko alam kung makakayanan ko pa pero susubukan ko para sa akin at sa kakambal ko. We need to be strong para makaligtas. Bawat oras at segundo ata, may naririnig kaming kuro-kuro about being tortured and stuffs.
Hindi na lang namin masyadong pinapansin para hindi kami matakot. Marahil ay tinatakot lang din nila kami lalo na't alam nilang baguhan kami rito.
They must be taking advantage of our vulnerable side now.
Base sa mga narinig ko kay Icah. I can't believe na eskwela pa ang tawag nila rito.
Tuluy-tuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang hallway ng building. Hindi namin alam kung saan ba kami dapat tumingin dahil bawat kwarto na nadaraanan namin ay magulo. Makikita mo kung ano ang nasa loob ng mga classrooms na 'yon dahil nakabukas ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."