Chapter 17

930 41 6
                                    


- Syden -



"Good luck sa atin," masayang sambit ni Icah bago naglakad papalayo sa amin. Nanatili naman kami sa aming kinatatayuan habang pinapanood siyang maglakad. Siya lang ang naiiba ang daan sa amin.



Nakakalungkot nga dahil si Icah lang naman ang mahihiwalay sa dalawa dahil pareho ng class number sina Maureen at Hadlee. Bago siya tuluyang nakalayo sa amin, tumalikod muna ito para humarap at kawayan kami, kaya ngumiti kami at kinawayan din siya.



"Mauna na rin kami, Sy," saad ni Maureen.



"Sige, ingat," nginitian ko sila nang maglakad na rin ang mga ito papalayo. Kami naman ni Raven, sabay din naming hahanapin ang class number namin dahil baka magkasunod lang kami ng classroom since magkasunod ang numerong nabunot namin. Nag-umpisa na kaming maglakad.



Kumpara sa normal na araw, ang araw na ito ang mas magulo, mas maingay at mas marumi, dahil siguro lahat, abala sa paghahanap ng kani-kanilang class number, magulo at medyo siksikan din sa hallway ngayon.



Habang naglalakad kami, may nagyayakapan na parang sampung taon silang hindi magkikita. May nagtutulakan, may nagsisigawan at higit sa lahat ay syempre, hindi mawawala ang mga nag-aaway. Lahat sila ay abala sa kalagitnaan ng hallway. Hindi na lang namin pinansin ni Raven dahil ang mahalaga, makadaan kami ng safe habang nagkakagulo ang mga estudyante.



Napag-usapan kasi namin na iiwas muna kami sa kahit na anong gulo dahil hindi naman namin alam kung sinu-sino ang makakasalamuha namin sa loob ng dalawang linggo na hindi kami magkakasama.



Sa pagdaan namin sa bawat classroom, may nakalagay na class number sa itaas ng pintuan. Unang nakita namin, class A to class J kaya sinubukan naming mag-iba ng direksyon para mahanap ang classroom namin.



Sa patuloy na pakikipagsiksikan, nahagip ng aking mata ang class number four. Nadaanan din namin ang room ng Redblades, class number six sila at wala ni isa sa aming lima ang nakakuha ng numerong 'yon. Mabuti naman, pero sabi nga ni Icah, naka-shuffle daw ang mga numbers kaya hindi sila sunud-sunod so kailangan talagang hanapin.



Papunta na kami ni Raven sa dulo dahil hindi pa rin namin nahahanap ang class number namin. Napansin namin na sa bandang dulo, wala gaanong tao at tahimik. Ibig sabihin ba ay matino ang dadatnan naming classroom? Sana nga.



Habang papalapit kami sa dulo ng hallway, may naghagis ng upuan palabas ng classroom kaya napaatras kami. Nakatapat kasi kami sa pintuan nito. Kamuntikan pa nga kaming natamaan ni Raven. Mukha ring nag-aaway ang mga lalaki sa loob dahil kung magtinginan ay parang magpapatayan. Nang tignan ko ang class number ng room na 'yon ay nagkatinginan kami ni Raven.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon