Chapter 14

1K 42 3
                                    



- Clyde -



Nagkita nanaman kami ni Roxanne sa abandoned laboratory at alam ko na kung bakit niya ako pinapatawag. Nakaupo siya at nakaharap sa bintana as usual, "Roxanne?" mahinhin kong sabi sa kanya dahil siguradong mas galit siya sa akin ngayon kumpara noong isang araw dahil sa ginawa kong pagdepensa kay Syden sa Prison Tree.



Kumuha ako ng upuan at umupo sa tabi niya. Nakatitig lang ako rito pero siya naman, malayo pa rin ang tingin sa labas. Wala atang balak na tapunan ako ng tingin? Nag-aapoy ang mga mata niya base sa nakikita ko, "Why did you do that?" galit niya akong hinarap.



"Did what?" 



Halatang lalo kong napainit ang ulo niya sa tanong ko dahil tinignan niya ako ng masama at natawa, "Pwede ba? Huwag kang magpaka-inosente! Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Clyde?!" tumaas na ang boses niya kaya yumuko na lang ako.



"Why did you save that stupid girl?! You knew that I was the one punishing her, right?!"



Tiningala ko siya, "Because... I promised to protect her from you," sambit ko ng malumanay.


Kumunot ang noo niya sa pagtataka at natawa, "What did you just say?! Protect her from me?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo kahit wala talaga akong balak na gawin 'to. Bahala na kung anong sasabihin sa akin. Sana naman pakinggan niya ako.



"Okay, I'll tell you the truth. I just need you to listen to me," pahayag ko.




"Bakit ko naman kailangang makinig sa'yo?" pagsasalungat niya.



"Para maintindihan mo kung bakit ko ginawa 'yon. Pwede ba, alisin mo muna ang galit at pagseselos, Roxanne? Hear me first, okay?" 



Nagbuntong hininga siya pero nakatingin pa rin sa akin ng masama, "Selos? Sinong nagsabing nagseselos ako?"




Sa inaakto niya ngayon, halata namang naiinis siya sa akin dahil nagseselos siya sa ginawa ko. Hindi niya naman kailangang i-deny 'yon, "I'll explain everything, okay? Pwede bang makinig ka muna sa akin?" medyo lumakas ang boses ko pero hininaan ko rin dahil baka lalo siyang magalit at hindi ako pakinggan.



Hindi naman niya ako sinagot. Sa wakas, makikinig na rin siya. Nagbuntong hininga muna ako bago nagsalita, "Sinali ko si Syden sa Phantom Sinners— "


"What?!" pagsasalungat niya.



D*mn! Naiinis na talaga ako! Nagkamot ako ng ulo na para bang nasisiraan  na ako. Kakasabi ko pa nga lang na makinig muna siya tapos ito nanaman. Nagrereact nanaman siya, "Sinali ko siya sa Phantom Sinners dahil may pangako siya sa akin na hindi niya ipagsasabi ang sikreto natin," pahayag ko.



Nanlaki ang mga mata niya, "Wait!? Sikreto natin?! Alam niya ang namamagitan sa atin?! Paano?"



"Natatandaan mo pa ba nung nag-uusap tayo sa likod ng classroom building? She was there. Si Syden yung hinabol ko dahil nakita niya tayo noon na patagong nag-uusap at narinig niya ang tungkol sa relasyon natin," eksplika ko sa kanya.


Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon