- Raven -
Papunta na kami ni Axelle sa dorm para puntahan si Syden, para na rin sabihin sa kanya na walang nangyaring masama sa akin at hindi naituloy ng council ang balak nilang pahirapan ako. Bago pa man kami makalabas sa lugar na 'yon na tambayan ng buong Blood Rebels, napansin namin na umuulan at medyo malakas. Wala pa naman akong dalang payong. May kinuhang jacket with hood si Axelle kaso bago niya pa man maisuot 'yon, bigla siyang napatigil kaya nagtaka ako.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan niya ang jacket na hawak.
"Hindi pala natin pwedeng gamitin 'to."
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya sabay tingin sa labas.
"Kapag may nakakita sa akin na suot ito, malalaman nilang Blood Rebels tayo lalo na't may logo pa ng grupo," pumunta siya sa tabi ng pintuan at doon isinabit ang hawak niyang jacket.
Hindi lang naman iisa ang jacket na 'yon. Marami sila at pare-pareho, "May cap ka ba dyan?" tanong ko at napatingin siya sa akin.
Nagisip-isip muna siya bago sinagot ang tanong ko, "Tingin ko meron. Wait, lemme check it."
Pumunta siya sa pinakasulok kung saan may mga locker at binuksan niya ang isa sa mga 'yon. Nakita kong may inilabas siyang dalawang cap sa locker na 'yon. Nilapitan niya ako at inihagis sa akin ang isa na siyang nasalo ko naman. Parehong kulay itim pero magkaiba ang disenyo.
"Cool!" sambit ko habang pinagmamasdan ang cap at isinuot 'yon.
"Ayos lang ba sayo na lumabas sa kalagitnaan ng ulan, cap lang ang gamit mo?" pagdadalawang-isip niya.
"Okay lang," tipid kong sabi.
Lumabas na kami at kahit umuulan, normal lang ang lakad namin although nababasa na kami. Medyo malayo pa naman at hindi pwedeng tumakbo dahil madulas ang daan kaya mas mabuti siguro kung mag-uusap muna kami habang naglalakad, "Bro, hindi kaya napansin ng Phantom Sinners na may koneksyon ako sa Blood Rebels dahil halos kayo ang kasama ko nitong mga nakaraang araw?" tanong ko.
Napansin kong kami na lang din ang naglalakad sa daan. Halos tahimik dahil siguradong nagpapahinga na ang mga estudyante. Gabi na rin kasi, "No. Hindi naman nila kami masyadong kilala at hindi nila maiisip na members kami ni Carson."
Kahit umaapaw na ang tubig sa daanan, diretso pa rin ang lakad namin at basang-basa na ang sapatos namin, "Bakit naman? Eh dba sikat kayo?" saglit ko siyang tinignan.
"All of the students here, ang alam nila, si Dustin ang right hand ni Carson because Carson introduced Dustin in front of the students as his right hand. But that's not true, I am really Carson's right hand, itinago niya 'yon sa lahat ng estudyante rito para makagalaw ako ng maayos, because no one knew my identity, ako ang nangangalap ng impormasyon para sa Blood Rebels. Sa tuwing lumalabas ang Blood Rebels, si Dustin ang kasama niya para mapaniwala niya sila na si Dustin talaga ang right hand niya. Ako at ang tropa ko na nakasama mo, we are the secret members of Blood Rebels kaya kahit gumala kami, walang mag-iisip na BR members kami dahil hindi nila kami kilala, even Clyde and Roxanne," pahayag niya sa akin. Now I know.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."