- Syden -
Gumising na ako ng maaga para naman hindi na ako ma-late dahil Saturday ngayon, for sure papasok ang mga teachers. Isa pa, para rin hindi na magwala pa si Raven sa labas ng kwarto ko. Bumangon na ako kaagad para magkapag-ayos.
Nandito kami sa dorm ng Silent Alliance ngayon, tutal may bakante pa naman daw na dalawang kwarto kaya tig-isa kami ni Raven. Another building siya kaya malayo sa main building kung nasaan ang mga classrooms. May dorm naman daw na malapit sa main building sabi ni Maureen pero nandoon daw ang Redblades at ibang grupo kaya hindi safe.
Lumabas na ako sa kwarto at nakasalubong si Raven dahil magkatapat lang kami ng kwarto. Naglakad na kami papunta sa classroom building habang nakasabay naman namin ang ibang miyembro ng Silent Alliance. 'Yon nga lang hindi namin nakita sina Icah, Maureen at Hadlee papunta sa classroom.
As usual pagkapasok namin, maingay at medyo magulo. Pagkatunog ng bell, imbes na magsi-upuan yung mga kasama namin, tumayo lahat sila at lumabas. Nagkatinginan naman kami ni Raven sa pagtataka kung bakit sila tumayo, "Saan sila pupunta?" tanong niya.
Ako pa talaga ang tatanungin niya, as if I know.
"Sundan kaya natin?" tanong ko pabalik.
"Sige," tumango si Raven at tumayo na siya sa kinauupuan niya, kaya ganon na rin ang ginawa ko at sinundan namin sila. Sa pagsunod namin sa kanila, may kamay na pumatong sa balikat ko. It was Icah. Kasama niya ang dalawa, kaya napatingin din si Raven sa kanila.
"May general assembly sa gymnasium kaya hindi tayo maglelesson. Saya d'ba?" sambit niya. Itatanong ko sana kung saan pupunta ang mga estudyante pero hindi ko pa man naitatanong, nasagot na ni Icah.
"Ahh ganon ba? Kaya pala sila umalis sa classroom," ngumiti na lang ako at sumunod lang kami ni Raven sa mga nauuna sa amin habang katapat namin sila Icah.
Sa eskwelang 'to, hindi uso ang lesson. One week na kami ni Raven dito at 'yon ang napansin namin. Tuwing weekends lang pumapasok ang mga teachers, pero wala namang sense ang itinuturo nila kaya wala ring nakikinig. Twenty to thirty minutes lang din sila kung magturo. Sa paglalakad namin habang lipad ang isip ko, napansin ko na lang na nakarating na kami sa gym. Umupo kami sa harapan nila Icah, kung nasaan ang mga bleachers.
Isang oras na ang lumipas, wala pang nagsasalita sa harapan. Paano naman naging assembly 'to kung walang nagsasalita?
But then, all of a sudden, biglang bumukas ang back gate ng gym. From there, I saw Roxanne in her red dress, red lips and red high heels as always with her members, the Redblades group. Ang taray ng dating nila pero masakit sa mata dahil pula lahat ang suot nila. Pwede pa ata akong mabulag habang nakatingin sa kanila. Pumasok siyang parang reyna at pinagtitinginan siya ng mga estudyante sa loob ng gym.

BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."