(This is a new and added chapter under new revision of Curse Academy.)
- Raven -
Hindi ko maiwasang magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Nasa harapan ko ngayon ang isang plato na puno ng pagkain. Paborito ko ito pero wala akong gana na kumain. Hindi ko kasi maiwasang hindi mag-alala sa kakambal ko.
I always want her by my side. Hindi ako mapakali kapag hindi ko siya kasama, parang laging may kulang sa tuwing hindi siya mahagilap ng aking mata.
"I thought paborito mo 'yan," napatingin ako sa isang babaeng nagsalita. Kakaupo niya lang ngayon sa gilid ko, at sa mismong lamesa pa niya naisipang maupo. Nakapatong ang mga kamay niya sa magkabilang-gilid nito.
Pansin ko ang mga binti niyang nakabuka pa ng konti kaya tumikhim ako. Nakapatong kasi ang paa niya sa gilid ng aking kinauupuan, "Pwede bang ayusin mo ang upo, Icah?"
Hinarap niya ako. Hindi ko mapigilang mapatitig sa ayos nito. I mean, kakaiba kasi ang porma niya, taliwas sa mga babaeng nakikita ko sa paligid. Katulad ng pulang coat namin sa Heaven's Ward High, ganon din ang suot nito ngunit kulay itim. Pareho naman kami ng suot na pulang slacks. Mga lalaking estudyante lang ang nagsusuot noon dahil skirt ang sa mga babae. Maliban pa rito, naka-bonet siya ng kulay itim kahit mataas naman ang sikat ng araw. May kulay asul na highlights ang kanyang buhok.
"Bakit?" tanong niya. Maski ang tono nito ay parang lalaki kung magsalita, para bang handa siyang makipag-suntukan sa akin anumang oras, "Maayos naman ang upo ko ah."
"Hindi magandang tignan sa babae kapag ganyan ang upo," sagot ko.
"Eh ano naman, ito ang normal kong upo, Raven. Para namang hindi ka pa nasanay sa akin," napatingin siya sa harapan at napakamot na lang ako. May mga oras na hindi sila marunong makinig, silang tatlo, isama mo pa ang kakambal ko. Kababaeng-tao, ang titigas ng ulo.
"Hindi ka kumakain," nagkatinginan kami nang magsalita siya, "Paborito mo 'yan, dba? Rice with green pease," tinignan niya pa ang nasa plato ko.
"Sinong magkakagana pagkatapos ng lahat ng nangyari? Ni hindi ko alam kung ano ng nangyayari kay Syden," napatingin na lang ako sa kung saan.
"Hay, Raven," nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at napatingala. Kitang-kita ko ang pagpikit ng mga mata niya na parang dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin. Wala kasi kami sa cafeteria ngayon, pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay dito ako dumiretso. May mga bakanteng sheds kasi sa labas ng cafeteria. Wala masyadong tao rito at napapaligiran ng iilang mga puno. Kahit papaano ay tahimik. Parang kasing may mangyayaring kaguluhan sa cafeteria anumang oras eh.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."