- Clyde -
Pinuntahan ako ng isang Redblades member para sabihin sa akin na pumunta raw ako sa isang abandonadong laboratory kung saan kami nag-uusap at nagkikita ng patago ni Roxanne. Sigurado akong nandoon na siya at hinihintay ako kaya nagmadali akong pumunta. Napaka-mainipin pa naman ng babaeng 'yon.
Pagkarating ko roon, binuksan ko ang pintuan ng dahan-dahan. Nakaupo siya at nakaharap sa bintana, "What took you so long?" halata sa tono ng pananalita niya ang galit at pagka-inip bago ako tinignan. As usual, magkakrus ang mga kamay nito.
Ngumiti ako at nilapitan siya, "I had to fix something."
"Tell me... nasaan ka kahapon?" mataray niyang tanong. Nasa harapan ko siya ngayon. Nakaupo siya habang nakatayo ako.
Busy ako kahapon dahil naghanap ako ng manggagamot kay Syden. Nagisip-isip muna ako ng ilang segundo kung anong magandang isagot sa kanya. Bakit hindi ko alam na hinahanap niya ako kahapon?
Sh*t! Nakalimutan kong magkikita pala kami dapat kahapon. Hindi ko dapat sabihin sa kanya ang totoo dahil lalo siyang magagalit. Paano ko nakalimutan ang tungkol doon? I never forgot anything when it comes to her, pero paano? Dahil ba abala ako kay Syden?
"May inayos lang ako kahapon sa grupo ko," saad ko dahil mukhang naghihintay siya.
Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, pero siya, diretso ang tingin sa akin at nanlilisik ang mga mata, "You never forgot me even once, Clyde... except kahapon. Now, tell me the real reason kung bakit nakalimutan mo na dapat magkikita tayo kahapon?" tumayo siya at tinapatan ako, "Sabihin mo nga sa akin, Clyde. May bago ka na ba kaya nakalimutan mo ang usapan natin na dapat magkikita tayo kahapon?"
"What?" pagkunot ng noo ko, "Ano bang pinagsasabi mo?! Wala. Alam mo naman na ikaw lang ang gusto ko d'ba?"
"Kung gano'n bakit hindi mo masagot ang tanong ko?! Anong nangyari kahapon? Nasaan ka?"
Galit na siya. Pero kung sasabihin ko ang totoo, lalo siyang magagalit sa akin.
"Sige, sasabihin ko na. Inayos ko ang Phantom Sinners kahapon, nagkaroon kasi ng away kaya kinailangan ko silang bigyan ng leksyon. Okay na?"
Nagbuntong hininga siya pero hindi niya pa rin inialis ang masamang tingin sa akin, pero ako, hindi pa rin talaga makatingin ng diretso sa kanya kahit pa anong subok ko, "Kapag hindi mo ako mapupuntahan, nagpapadala ka ng member mo para sabihin sa akin na hindi ka makakapunta. Bakit kahapon walang pumunta ni isa sa mga member mo para sabihin sa akin na hindi ka pupunta?"
WTH! Bakit ang hirap niyang lusutan?! Hindi ko siya agad mapaniwala sa mga sinasabi ko. Kinailangan ko nanamang mag-isip ng isasagot sa kanya at kahit na inis na inis na ako, pinipigilan ko pa rin.
"Paano ko naman sila bibigyan ng leksyon kung hindi sila kumpleto? Kilala mo naman ako d'ba? Kapag pinarusahan ko ang isa, paparusahan ko rin ang lahat," wika ko.
"Kapag nalaman kong may babae ka habang nag-iisip ako ng paraan para hiwalayan si Carson, hindi na kita babalikan. Kaya umayos ka," banta nito sa akin. Tawagin mang tanga pero oo, totoo na kahit dalawang leader ang malakas dito sa Prison School, nagagawa kaming kontrolin ni Roxanne.
"Babalik ka sa akin kasi wala naman talaga akong ibang mahal maliban sa'yo," diretso kong sabi.
This time, sana maniwala na siya sa akin dahil wala na akong maisip sa sunud-sunod niyang tanong. Yayakapin ko sana siya kaso nilayuan niya ako, "Okay, fine. I trust you. Siguraduhin mo lang na totoo talaga ang mga sinasabi mo," masama pa rin ang tingin niya sa akin pero mas kalmado na siya ngayon kumpara kanina.
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
TerrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."