Chapter 29

848 35 7
                                    


Hindi ko kayang pumatay at hindi ko rin kayang magpakamatay. Habang nakaluhod sa harapan ni Dustin ay nakatitig lang ako sa hawak na kutsilyo. Walang humpay ang aking mga luha. Pumunta sa likuran ko si Clyde kaya nakaharap siya kay Dustin ngayon na nakatingala naman sa kanya at seryoso ang tingin.


"H-Hindi ko talaga kaya, Clyde," sambit ko na pilit siyang tinanaw sa aking likuran.


"Kayanin mo," napaharap ako kay Dustin nang sabihin niya 'yon.


Unti-unting lumapit sa amin si Clyde at lumuhod din para harapin kami. Sa kanya napunta ang atensyon namin ni Dustin, "Number one rule ng mga Phantoms," tinignan niya ako, "Kung hindi mo kayang gawin ang ipinapagawa namin," masama siyang ngumiti, "You should do it to yourself," tinignan niya si Dustin, "Alam ng Blood Rebels 'yan, right Dustin?" hindi siya nito sinagot.


"Kung hindi mo pa rin kaya," tumayo siya at sapilitang kinuha sa akin ang kutsilyong hawak, "Ako ang gagawa para sa inyong dalawa."


"No!" sigaw ko, "Hindi mo pwedeng gawin 'yan, Clyde," hinarangan ko si Dustin habang nakaluhod pa rin.


"What are you doing right now?" nagsalubong ang kilay niya, "A Phantom member? Protecting a Blood Rebels' member?" natawa siya na tila hindi makapaniwala.


Nanatili lang akong nakatingala sa kanya, "Does keeping my mouth shut still not enough para tigilan muna ako at ang ibang tao?" mahina kong saad habang lumuluha pa rin, "I've endured a lot in this sh*tty group of yours, Clyde!" tuluyan ng nagtaas ang aking boses.


Halos umusok ang ilong at tainga niya. Sa isang iglap ay malakas na dumapo sa akin ang isang palad nito na siyang ikinadapa ko sa sahig. Humapdi ang aking pisngi, "You must not treat your girl member like that, Clyde!" pagsasalita ni Dustin. Mas lalong nanlabo ang aking paningin.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon