Final Chapter
- Syden -
Masyado na akong nagtiwala sa Black Vipers, pero sa huli, sila din pala ang isa sa mga hindi ko na dapat pagkatiwalaan. Nanghina nanaman ako ng pumatak ang luha ko. Naalala ko yung inasal ni Raven kanina, hindi ako makapaniwala sa kanya.
Tumakbo na lang ako ng mabilis papalayo sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta gusto kong mapag-isa sa mga oras na'ito. Si Raven na lang yung kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra, pero sa huli, iiwan niya rin pala ako. Ang laki na ng pinagbago niya magmula ng sumali siya sa grupong 'yon. Hindi na siya yung kakambal ko. Hinayaan niya lang na kaladkarin ako palabas ni Carson. Ang sakit lang! Hindi ako makapaniwala na ganon ang mangyayari. Ang sakit isipin na mismo yung kapatid mo, tinalikuran ka na.
Tumigil ako sa pagtakbo habang umiiyak pa rin, gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Umupo muna ako sa tabi para makapagisip-isip sa mga bagay na nangyari at pilit na hindi ko maintindihan. Kahit ilang beses na magpunas sa mukha ang gawin ko, tuluy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak. Bakit ba mas pinili ni Raven 'yon? Iniwan niya ako. Nagbago siya. Yun lang yung pumasok sa isip ko noong mga oras na 'yon. Paulit-ulit na bumabalik yung mga nangyari.
Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko yung dahilan kung bakit nagalit sila sa akin, dahil nakita nilang kasama ko yung Phantoms Sinners kaya ang buong akala nila, kasabwat ko sila. Naalala kong nakikipagsabwatan si Clyde sa akin para mapabagsak ang Black Vipers pero hindi ako pumayag sa gusto niya, kaya siguradong pati ako gagawan nila ng masama.
Parang bigla na lang akong kinabahan dahil doon, nawala sa akin yung pagkagalit kila Raven dahil naisip ko na may balak ang Phantom Sinners sa kanila, kaya dapat kong sabihin sa kanila yon. Alam kong hindi sila makikinig sa akin pero dapat kong masabi sa kanila na may binabalak si Clyde.
Biglang akong kinabahan kaya tumakbo ako ng sobrang bilis para mapuntahan sila. Naramdaman kong nanginig ang buong katawan ko at nanlamig habang tumatakbo ako kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
Nang makarating ako doon, hindi ko alam kung anong gagawin ko, nanigas ako sa kinatatayuan habang tinitignan sila. Pinilit kong gumalaw para makapagtago sa gilid at sumilip ako sa bintana. Nanghina lahat sila dahil kinuryente sila. Sina Carson, Raven, Dave at Dustin. Itinali sila ng Phantoms Sinners at kinaladkad palabas. Sinundan ko kung saan sila dadalhin. Halatang nanghihina silang apat kaya imposibleng makakalaban sila.
Nanatili pa rin akong nakasunod sa kanila kahit alam kong delikado. Dinala sila sa isang court na medyo madilim at imposibleng may makakita o makarinig. Tumitingin pa rin ako sa paligid dahil baka may makakita sa akin. Tinulak sila Raven ng malakas kaya napaluhod sila.
Biglang naman dumating si Clyde at halatang tuwang-tuwa sa nakikita niya, "Finally. Mapapabagsak na rin namin kayo," sambit niya habang tinitignan lang siya ng masama ng mga Black Vipers, "Hindi niyo man lang ba kami lalabanan? Akala ko bang malakas kayo?" sarkastiko niyang sabi. Paano naman sila makakalaban eh nakatali? Nag-iisip ba si Clyde?!
BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."