Chapter 58

78 5 0
                                    


- Syden -


Lumapit siya at ikinulong ako sa mga braso niya. Nanatili lang akong nakatingin ng masama sa kanya habang hawak ko ang braso kong nangingitim dahil sa pagkakatulak niya sa akin sa book shelf, "Wala ka na ba talagang balak na bumalik sa amin?" sarkastiko niyang tanong.


"Bakit ako babalik? Fvck you!" malamig kong sabi.


Nagbuntong-hininga siya at ngumiti ng masama, "Since from the start I like the way you act. Masyado kang matapang pero ang totoo takot ka din naman d'ba?"


Tinignan ko lang siya ng masama, "Ano bang kailangan mo sa akin?!" inis kong tanong.


Lumapit pa siya lalo kaya ang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Mas lalo pa akong kinabahan sa kinatatayuan ko, "Kung hindi ka na talaga babalik. Give me a sweet farewell then," bulong niya kaya nanginig na yung paa ko.


Tinignan niya ako sa mata at unti-unti niyang pinagdikit ang labi namin. Bago niya pa man magawa 'yon, itinulak ko na siya palayo para makatakas. Hahawakan ko na sana yung door knob pero nahabol niya ako at itinulak ulit ako sa may book shelf. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko pataas gamit ang isa niyang kamay at tinakpan ang labi ko dahil napansin niyang gusto ko ng sumigaw. Habang tinatakpan niya ang labi ko, naiiyak na ako dahil alam ko na kung anong gagawin niya sa akin. Hindi ako makapalag dahil mahigpit niyang hinahawakan ang dalawa kong kamay.


Unti-unti niyang inilapit ang bibig niya sa leeg ko at hinalikan ako ng ilang beses mula sa mukha hanggang sa leeg. Pumapalag pa din ako kahit na alam kong hindi ako makakatakas. Wala akong magawa kundi umiyak na lang. Binuksan niya lahat ng butones ng coat ko kaya kita na rin ang sando ko. Hinawakan niya ang bewang ko at hinalikan ako ng paulit-ulit. Napakababoy niya!


Habang tuluy-tuloy pa din siya sa paghalik sa akin, kumuha ako ng pwersa para maitulak siya papalayo. Naitulak ko siya ng malakas at hinawakan ko yung coat ko para takpan ang sando ko. Habang ginagawa ko 'yon, hindi ko pa rin mapigilan na hindi umiyak dahil sa ginawa niya sa akin. Kumukuha na ako ng hangin dahil nahihirapan akong huminga.


Ngumisi siya at aktong lalapitan ako pero nagtangka akong tumakas. Nahawakan niya ng mahigpit ang braso ko at tinutukan ako ng kutsilyo, "Subukan mong tumakas!" panakot niya sa akin. Ni hindi ako nakagalaw dahil sa takot.


"Tigilan niyo na ako pwede ba?!" sigaw ko habang umiiyak.


Tinulak niya ulit ako sa may book shelf at ikinulong ako sa mga braso niya. Tinignan niya ako ng masama kaya hindi na talaga ako nakagalaw, "Sumama ka sa amin. Hinahanap ka ni Clyde."


Pagkatapos niyang gawin sa akin 'to, sasabihin niyang sumama ako sa kanila. Fvck him! I hate Phantom Sinners. I curse every one of them, "Bakit naman ako sasama sa iny"


"Kung ayaw mong ituloy ko ang ginagawa ko sa'yo, sumama ka sa amin," natulala ako sa sinabi niya habang tuluy-tuloy pa din sa pagiyak. Ayokong sumama sa kanila dahil siguradong may binabalak nanaman silang masama pero ayaw kong mangyari ulit yung ginawa niya sa akin kanina.


Hinawakan niya ako sa braso at kinaladkad palabas. Sumunod lahat ng kasama niya. Lumapit siya sa akin at bumulong, "Umayos ka, kung hindi malilintikan ka sa akin," panakot niya. Inayos niya yung pagkakahawak sa braso ko. Tinignan ko siya at tinignan niya ako ng masama kaya pinilit ko na ring ayusin ang paglalakad. Napakalaki kong tanga! Pinagtitinginan kaming lahat at halatang takot sila. Tumingin ako sa paligid at mukhang wala naman ang Black Vipers. Ano nga bang paki ko sa kanila? Wala naman silang inisip kundi sarili nila.


Nakarating kami sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Puno ng dugo ang pintuan. Habang tinitignan ko ito, biglang binuksan yun ng mga kasama kong Phantom Sinners, tinulak nila ako para makapasok sa loob. Tinignan ko sila ng masama bago ulit tumingin sa harapan ko.


Nakita ko si Clyde, nakaupo siya at mukhang hinihintay talaga kami. Nagyoyosi siya at nakayuko. Nang mapansin niyang nandito na kami, tinignan niya ako ng masama at ngumisi bago tumayo, "Ano nanaman bang kailangan mo, Clyde?!" diretso kong tanong.


Nilapitan niya ako habang nakangisi siya at binugahan ako ng nakakainis na amoy ng sigarilyo niya pero matapang ko pa rin siyang tinignan, "Alam mo naman na marami akong kailangan sa'yo d'ba? Isa na doon ay kailangan kitang tapusin, " nga pala, ipapapatay niya ako.


Tinignan ko pa rin siya ng masama kahit na deep inside kinakabahan na ako, "But of course, pwede ka pa namang mabuhay ng matagal, kung makikipag-cooperate ka sa amin."


Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya at seryoso ko siyang tinignan, "W-What do you mean?"


Ngumiti siya lalo at hinawakan ang yosi niya. Pagkatapos, itinapon niya 'yon sa harapan ko at inapakan, "We're planning to take Black Vipers down but we need someone to lure them. Someone na pinagkakatiwalaan nila para mahulog sa bitag namin," pahayag niya.


Tinignan ko pa rin siya thinking what should I do, "What if hindi ako pumayag sa gusto mo?" seryoso kong tanong. I knew it. Alam ko na ang gusto niyang gawin ko.


Mas lalo pa niya akong nilapitan kaya napaatras ako, "If you won't help us, you know what will happen but, if you will do what I want, you could be saved," banta niya. I could be saved? Nagbibiro ba siya? I was never saved by him.


I don't trust his words. Any of his words. Hindi ko ilalaglag ang kakambal ko kahit na sobrang nasaktan ako sa ginagawa ng leader nila na si Carson. I would never do such thing na ikakapahamak nila. Nginitian ko ng masama si Clyde. Nilapitan ko din siya as he did, "Patayin mo na ako ngayon, pero hindi ko gagawin ang gusto mo!"


Tinalikuran ko siya pero bago ako makaalis, hinawakan ako ng mga members niya, "Hayaan niyo siya," napatingin ako dahil sa sinabi niya, "Hayaan niyong magpakasaya siya, dahil bilang na lang ang oras niya," pagkatapos niyang sabihin 'yon, binitawan na nila ako. Bago ako tuluyang umalis, tinignan ko siya ng sobrang sama.


3ieguno...

"My words don't chase readers, they effortlessly find their kindred minds."

(You are reading a story revised in the year 2024.)

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon