Chapter 23

75 5 0
                                    


(This is an added chapter under new revision.)


- Raven -


Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak sa akin ng kung sino. Sa pagkakatanda ko lang naman ay kasama kong tumatakbo si Syden paakyat sa hagdanan, papunta sa Silent Alliance room. May kung sino kasing sumigaw ng Silent Grave, ibig sabihin lang noon ay may nangyayari o mangyayaring kaguluhan.


Habang paakyat kami ng building ay may kung sinong humila sa akin. Sobrang bilis ng pangyayari na maski ako ay hindi ko namalayang hawak-hawak na nila ako. Paniguradong hindi rin napansin ni Syden ang nangyari pero ang mahalaga ay ligtas siya.


Hayaan na lang niya sana ako at huwag ng hanapin pa, "Sino kayo? Bitawan niyo 'ko!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa kanilang hawak. Gustuhin ko mang tumakas pero paano? Nakatali ang aking mga kamay sa likuran. Hindi ko man makita ngunit ramdam ko ang dalawang taong humahawak sa akin sa magkabilang-braso. Hindi ko alam kung sila lang bang dalawa o may kasama pa silang iba, pero bakit ako? Wala naman akong natatandaan na may nakasagupa o nakaaway ako lalo pa't iwas na iwas kami ni Syden sa gulo.


Hindi ko man makita ngunit tahimik sa hallway na dinaraanan namin. Marahil ay nagtatago ang lahat dahil sa kaguluhan kanina. Ang bawat paghakbang namin ang siya lamang naririnig na nag-eecho pa.


Wala akong makita bungad ng pagkakatakip nila ng kung anong itim na tela sa aking ulo. Para bang bibitayin ako anumang oras, pero hindi ba bawal ang pumatay sa Prison School? Anong gagawin nila at isa pa, anong kailangan nila sa akin?


Konti na lang ay malapit ko ng isipin na baka si Clyde o Roxanne nanaman ang may pakana nito. Dahil ba nagbanta ako na once na malaman kong may kinalaman sila sa mga sugat ni Syden ay hindi ko sila sasantuhin?


Pabagsak na bumukas ang isang pintuan at itinulak nila ako papasok. Halos mahulog ako pababa nang hindi man lang ako sinabihan na hagdanan pababa ang dinaraanan namin. Mabilis kong hinugot ang balanse at sapilitan man nila akong kinaladkad, sinikap kong huwag magkamali ng aapakan. Pababa kami sa kung saan hanggang sa patag na muli ang daan.


Nakakailang hakbang pa lang kami nang halos madapa ako dahil sa may hagdanan ulit na paakyat. Kabaligtaran ng dinaraanan namin kanina. Nang marating ang itaas ay dinig na dinig ang pag-apak namin sa isang kahoy. Saan ba talaga nila ako dinala? Nakakailang hakbang pa lang ay pinaharap nila ako at sa isang iglap, nagawang maputol ng tali sa aking mga kamay.


Halos mapasinghap ako nang maramdaman ang pagbagsak ng aking likuran sa isang upuan. Sapilitan nila akong pinaupo rito. Ang mga kamay ay ipinatong sa arm chair at muling itinali, "Pakawalan niyo ako, ano ba?!" pagsigaw ko. Kung kanina ay maaari pa akong makatakas, ngayon ay malabo itong mangyari. Nakatali na ako sa upuan.


Matapos itali ang aking mga kamay, isinunod nila ang aking mga paa, "Ano bang kailangan niyo? Pinadala ba kayo ni Roxanne, ha? O baka naman si Clyde?" tahimik sila at hindi ako sinasagot. Ramdam ko ang pagtayo nila sa aking harapan. Sobrang higpit ng pagkakatali sa akin, as if they were assuring na hindi ko magagawang tumakas.


"Anong ba talagang kailangan niyo?" tulad kanina ay wala akong nakuhang sagot.


Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon