Chapter 48

806 29 3
                                    


Saturday
6 pm


- Syden -


Nasaan na ba yung lalaking 'yon? Inip na inip na ako. Kanina pa ako naghihintay dito. Dba nga dapat ako yung hinihintay niya kasi ako yung babae?


Nakatulog ako kanina at pagkagising ko, wala si Raven dito sa clinic. Tutal pinagdala niya ako ng damit, nagpalit ako habang hinihintay ko siya, pero bakit hanggang ngayon wala pa siya? Mag-iisang oras na akong naghihintay.


Baka naman nakalimutan niyang may plano kami? Baka nawala sa isip niya at hindi niya ako masamahan? Kapag nakita ko siya, humanda talaga siya sa akin. Nakaupo ako ngayon sa kama ng clinic.


Napatingin ako sa pintuan nang biglang bumukas, nagulat ako sa kanya at halatang hinihingal siya. Anong nangyari?


Nilapitan niya ako at mukhang nag-alala ito, "Sorry, Sy. Nakatulog kasi ako sa dorm, hindi ko namalayan na magsi-six na pala," saad niya.


"Eh bakit mukhang pagod na pagod ka? May nangyari ba?"


"Sigurado naman kasi akong nagbabalak ka ng lumabas sa clinic dahil hindi pa ako dumadating."


Paano naman niya nalaman? Manghuhula ba siya? Sabagay, kilalang-kilala na niya kasi ako.


"So nagmadali kang pumunta dito dahil lang baka lumabas ako ng clinic mag-isa?"


"Oo," concern talaga siya.


Usapan kasi namin, before 6 aalis na kami papunta sa stock room. Medyo malayo rin 'yon kasi ilang building pa ang madaraanan namin, lalo na't hindi pa ako makakapag-madali dahil sa sugat ko. Masakit pa din kasi pero hindi ko muna dapat isipin 'to.


"Tara na?" sabay tingin sa relo nito.


Tumango ako at inalalayan niya ako palabas ng clinic. Paglabas ko, halos malaglag ang panga ko. Anong ginagawa nito dito?! Nakasandal siya sa pader, nakakibit-balikat at nakayuko. Hinihintay niya ba kami?


"A-Anong ginawa mo dito?" ang alam ko naman kasi, hindi siya sasama dahil galit siya sa akin.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon