Chapter 28

867 36 2
                                    


- Syden -


Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, hindi ko pipiliin na mapunta rito. Sa pagdaan ng bawat araw, palala ng palala ang nangyayari sa amin at hindi ko na alam kung anong dapat gawin lalo na't nadadamay ang mga taong malapit sa akin. Masisiraan na ako ng ulo habang inaalala ang mga nangyari kagabi.


Flashback...


Tumingin ako sa relo at 9 pm na. Siguradong nag-aalala nanaman sina Icah kung nasaan kami ni Raven. Sa ganitong oras kami kumakain ni Raven pero hindi ko maramdamam ang gutom.


Bumukas ang pinto na naging dahilan ng paggising ni Raven. Nakuha na kasi niyang makatulog simula pa kanina. Wala kaming magawa dahil nakatali kami. Napatingin kaming dalawa sa pintuan at nakita si Clyde. May dalawa siyang kasama. Bago sila lumapit, sinigurado muna nilang nakasara ang pintuan.


Lumuhod si Clyde sa tapat ko, "Hindi ko na kayo patatagalin pa rito. Bago ko kayo pakawalan. May kailangan muna akong sabihin sa'yo," pagkasabi niya noon, tumingin din siya kay Raven.


"It's better kung marinig din ng kakambal mo," ibinalik niya ang tingin sa akin.


"Starting tomorrow... you'll be an official member of the Phantom Sinners. So it means, kahit anong sabihin ko, gagawin mo. Kapag sinabi kong pahirapan mo, pahirapan mo. Kapag sinabi kong patayin mo, papatayin mo," diin niya.


Ano naman ang dahilan ng biglaan niyang pagdedesisyon?!


Umiling ako ng maraming beses, "Hindi! Hindi totoo 'yan!" sigaw ko.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon