Chapter 18

922 39 4
                                    



"N-Niligtas ko lang naman ang sarili ko!" sigaw ko, nagbabaka-sakaling pakakawalan nila ako pero wala pa ring ginawa si Clyde, nanatili lang siyang nakatayo at matalim ang tingin sa akin habang hinihila ako papalabas ng mga miyembro niya.



Kahit gusto ko silang takbuhan, hindi ako makalaban dahil nahihilo pa rin ako sa pagkakabato sa akin kanina. Mabuti na lang at nakakarinig na rin ako ng maayos. Dalawa ang kumakaladkad sa akin sa hallway habang ang dalawa naman ay nasa likuran ko. May isa rin sa aming harapan. Abala ang lahat sa kanya-kanya nilang classroom kaya tahimik sa aming dinaraanan.



May binuksan silang isang classroom at tinulak ako papasok sa loob dahilan ng aking pagkasubsob sa sahig. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Napupuno ng mga sirang lamesa at upuan sa paligid. Medyo maalikabok rin at halatang hindi na ginagamit ang lugar na 'to.



Pumasok sila at isinara ang pinto. Pinalibutan nila akong lima habang nasa sahig pa rin ako. Nakuha ko silang tingalain. Malabo man ngunit halata ang masasamang ngisi sa kanilang labi. Nag-umpisa nanamang kumabog ang aking dibdib. Ni hindi ko maimulat ng maayos ang mata ko dahil sa pagkahilo.



Kumuha ang lalaki sa tapat ko ng sigarilyo mula sa bulsa niya at sinindihan 'yon gamit ang isang lighter sabay lagay sa kanyang bibig, "Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ng isa sa kanila.



Ngumiti ang lalaki sa harapan ko at kinuha niya mula sa bibig ang sigarilyo, pagkatapos ay nagbuga ng usok.  Tumingin siya sa mga kasama nito at lumitaw ang mapanloko nilang ngiti.
Lumapit at hinawakan ako ng dalawa sa  magkabilang-gilid ko. Sapilitan nila akong itinayo, "A-Anong gagawin niyo sa akin?!" nanginginig kong tanong.



Lumapit sa akin ang lalaki sa tapat ko habang humihithit muli ng sigarilyo at binugahan ako ng usok dahilan ng aking pagpikit. Nag-uumpisa naman akong pagpawisan.



"AWWWW!" bigla akong napadaing nang agaran niyang idinikit sa braso ko ang sigarilyong hawak niya. Hindi pa siya nakuntento at pinakadiin niya pa ito kaya lalo akong napasigaw habang sila naman, halatang tuwang tuwa sa kanilang ginagawa.



Sa ngayon, walang ibang nasa isip ko kundi ang tumakas. Kailangan kong makatakas.



"Tapos na ba kayo?" hingal na sambit ko habang nanghihina ang mga binti. Nakuha niyang ilayo sa braso ko ang sigarilyo.



Mahigpit niyang pinisil ang aking mga pisngi at tinignan ako sa mata. May kinuha siya sa bulsa nito at pinakita 'yon sa akin. Binuksan niya ang lighter sa harapan ko, "Nakikita mo ba 'to? Gusto mong sunugin kita ng buhay?" unti-unti niya itong nilalapit sa akin hanggang sa napapikit ako.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon