Chapter 26

906 40 0
                                    


- Nash -


Mula sa maingay na mga tugtugan at malilikot na ilaw ay binuksan ko ang pintuan at siya agad ang bumungad sa akin kagaya ng inaasahan ko. Naroon nga siya, walang pinagkaiba, nakaupo at nagbibisyo nanaman. Pagkapasok ko pa lang, naamoy ko na ang sigarilyo sa buong kwarto, "Nash!" salubong niya habang nagsasalin ng alak sa baso. Mabisyo na talaga siya. Hindi tulad noong kakapasok niya pa lang dito sa Prison School.


"Hey!" umupo ako sa tabi niya at hindi pinansin ang alak at sigarilyo sa harapan ko na siyang nakapatong sa lamesa.


"Mukha atang napapadalas na ang bisyo mo?" tanong ko habang umiinom siya kaya napatingin ito sa akin.


"And so? Sanay na naman ako," inilapag nito ang baso sa lamesa.


"Kasalanan ko ata kung bakit naging ganyan ka ngayon?"


Umiling naman siya at ngumiti, "No. Everything we do involves our choices in life. Wala kang kasalanan. I'm happy the way I am right now."


"Sige, sabi mo eh."


Uminom muna siya ulit bago ako hinarapan, "Ano ng balita?"


Tumayo ako at nagikut-ikot sa kabuuan ng kwarto para tignan ang mga gamit habang siya naman, sinusundan ako ng tingin, "I just saved her. A member of Phantom Sinners," habang hinahawakan ko ang isa sa mga babasaging display, saglit ko siyang hinarap at ngumiti.


"Do you regret it?" tanong niya.


Kumuha ako ulit ng ibang display. Magkakatabi lang kasi ang mga ito, "No. Definitely no," maikli kong sagot.


Ibinalik ko na ang hawak ko sa tamang pwesto at muling umupo sa harapan niya. Maayos akong sumandal, "How about Phantom Sinners?" tanong niya.


"I still hate them. Every one of them. All members, especially their leader. All of them," seryoso kong sabi na siyang nakapag-pangisi sa kanya.


Itinuro niya ako gamit ang isang kamay habang hawak nito ang basong may alak, "Iba ka talaga, Nash," ngumiti lang ako bilang sagot.


Ininom niya ng diretso ang laman ng baso at inilapag sa lamesa, "You're known as the Silent Killer. Tahimik lang at inosente pero sa kabaligtaran, pumapatay ka in the most silent way possible, right?" nakangisi niyang tanong sa akin.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon