Chapter 33

863 39 1
                                    


- Raven -


Nandito kami ngayon sa room ng Outsiders dahil nga sa nangyaring Silent Grave. Kapag daw kasi narinig namin ang word na 'yon, magtago na raw kami para hindi kami madamay sa kung anumang kaguluhan.


Nakita kong pumasok si Icah pero siya lang mag-isa. Leaders din kasi sina Hadlee at Maureen kaya siguradong nasa kabilang classroom sila para bantayan ang mga members nila.


Nakita ako ni Icah kaya lumapit siya sa akin, "Raven," ngumiti siya at umupo sa tabi ko. Tumingin-tingin siya sa paligid na parang may hinahanap, "Oh, nasaan si Syden?" tanong niya.


"Hindi ko nga rin alam eh," sambit ko habang nakatingin sa may pintuan. Ang kupad pa naman noon. Sarado ang classroom nila kanina kaya akala ko ay nauna na siya rito.


"Ano bang nangyayari kapag Silent Grave tapos hindi ka nakapagtago?" tanong ko.


"Kapag sinabi kasing Silent Grave, ibig sabihin mag-aaway ang Phantom Sinners at Blood Rebels. Parehong mainit ang ulo nila kaya kahit sinumang makita nila, napagbubuntungan nila ng galit at pinapahirapan nila kahit walang ginawang masama. Pwedeng ibang grupo rin naman ang nag-aaway. Nagsa-silent grave lang para at least aware ang lahat at maiwasang madamay ang mga inosente," saad niya.


Huminga siya ng malalim, "Maliban na lang kung Redblades ka. Syempre hindi sasaktan ni Carson ang girlfriend niya at ang Redblades. Si Clyde naman, hindi kayang saktan ang Redblades dahil kay Roxanne, kaya ang pinaniniwalaan ng iba, mahal pa rin ni Clyde si Roxanne," pahayag ni Icah.


Pagkatapos niyang sabihin 'yon, tumingin ako ulit sa pintuan dahil wala pa rin si Syden, "Baka naman nahuli na siya? Ang kupad pa naman kumilos no'n," sambit ko.


Ngumiti ulit si Icah, "Alam mo naman ang kambal mo. Malakas ang loob. Kahit sino binabangga," sabi niya.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon