- Syden -
Iminulat ko ng dahan-dahan ang mata ko. Nakita ko siyang galit na nakatingin sa akin at parang pinipigilan niya ang sarili dahil hindi niya ako nasaktan gamit ang hawak niyang bote, "Anong ginagawa mo dito?"
Pawis na pawis siya at nanginginig pero kahit nakikita kong galit siya, alam kong nasasaktan din siya dahil sa breakup nila ni Roxanne at sa nangyari sa grupo niya. Hindi ako nakapag-salita dahil parang may pumipigil sa akin kaya hindi ko mabuksan ang bibig ko. Nanginginig din naman ako dahil nakakatakot yung mga tingin niya.
Inihagis niya palayo yung hawak niyang bote at dinig na dinig 'yon sa buong kwarto kaya nagulat ako. Siguradong nag-aalala na yung mga iniwan ko sa labas. Tinignan ko ulit siya at ganon pa din ang tingin niya sa akin, "Umalis ka na dito. Baka masaktan pa kita," galit niyang sabi pero halatang nagpipigil siya.
Ayaw ko pang mamatay pero ayaw ko ring umalis dito. Hindi ako aalis. Babawi pa ako sa kanya dahil sa akin nagkakaganito lahat, kaya dapat kong ayusin ang gulong nagawa ko.
Hindi pa rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko habang siya, nakatingin pa din sa akin at halatang nagpipigil siya ng galit. Sinabayan ko na lang din yung tingin niya, seryoso ko lang siyang tinitignan kasi nga hindi ako aalis. Bahala na kung anong gawin niya sa akin. Dito lang ako.
Tinalikuran niya ako. Habang naglalakad siya sinisipa niya yung mga nakaharang sa dadaanan. Umupo siya sa pinakasulok kaya nilapitan ko ulit siya. Nakaupo siya ngayon sa harap ko habang nakatayo ako. Hinawakan niya yung ulo niya na parang nasasaktan ito. Napansin ko ngang namumula na siya pero hindi pa rin ako aalis. Umupo ako sa tabi niya pero di naman ganon kalapit at tinignan ko siya. Ilang segundo ko rin siyang tinitignan habang nakayuko ito at nakatingin sa sahig.
"Kelan mo pa nalaman?" seryoso niyang tanong habang nakatingin pa rin sa sahig. Isa lang naman ang pinag-uusapan dito. Yung tungkol sa relasyon nina Clyde at Roxanne.
"P-Pagkapasok pa lang namin ni Raven dito sa PS. I heard them, kaso nakita ako ni Clyde, kaya doon din nag-umpisa ang kalbaryo ko," wika ko habang tinitignan siya. Sorry talaga. Sorry.
Natawa lang siya sa sinabi ko pero bumalik rin siya sa pagiging seryoso, "Sorry talaga. Natakot kasi ako sa kanya eh. Gustung-gusto kong sabihin sa'yo pero hindi ko alam kung paano. Dahil sa akin kaya nangyari 'to, kaya sorry, sorry talaga."
"Buti alam mo. Kung pwede lang tanggalin ng sorry mo lahat ng sakit pero huli na, para magsisi ka. Wala na lahat. Sira na," tinignan niya ako ng masama tapos tumayo na siya. Nakita kong pumasok siya sa isang kwarto. Malaki kasi ang room na 'to pero pagka-pasok mo, may makikita kang mga pintuan na parang kwarto din, pero maliit lang sila.

BINABASA MO ANG
Curse Academy: Prison School
HorrorCurse Academy Book 1 "Caution: Brace for intense and brutal scenes ahead. Not recommended for the faint-hearted."