Chapter 37

883 32 3
                                    


- Axelle -


"Sigurado ka ba talagang okay lang sayo na sumama sa amin?" tanong ko kay Sean habang naglalakad kami. Inimbita ko kasi siyang sumama sa amin para uminom sa club at pumayag naman siya. Masaya 'to promise!

Nasa harapan kami ngayon ng club habang tinatanong namin kung talagang okay lang sa kanya na sumama sa amin, "Okay lang," tumango siya at ngumiti. Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa letrang 'X' na nasa pisngi nito. Alam ko kung saan at paano niya 'yon nakuha pero mas minabuti naming huwag ng itanong sa kanya.


"Bro, baka naman napipilitan ka lang? Hindi mo naman kailangang pilitin," tanong ng isang kasama namin kay Sean.


"Hindi. Okay lang talaga sa akin," sagot niya.


Madalas na rin siyang sumasama sa akin at sa mga lakad ko. Well, kahit sino naman, hindi makakatanggi kung isang katulad kong gwapo ang mag-iimbita dba?


"Nakapag-paalam ka ba sa mga kasama mo? Lalo na sa kakambal mo?" tanong ko. Nawala ang ngiti niya sa mukha at naging seryoso. Sigurado akong hindi siya nakapag-paalam.


"Hindi nga eh," problemado niyang sabi at napakamot ng ulo. See?


"Paano niyan? Siguradong hahanapin ka non," sabi ko.


Umiling siya at ngumiti ulit, "Okay lang iyon. Ipapaliwanag ko na lang sa kanya pagbalik ko," nagtaka ako dahil hindi naman siya ganito dati noong hindi ko pa siya kaibigan. Siguro naimpluwensyahan ko.


Ano namang mali kung impluwensyahan ko siya, minsan lang naman, "Sige, sabi mo eh. Let's go," sabi ko sa kanila.


Pumasok na kami sa loob at medyo nakakahilo ang mga ilaw dahil iba-iba ang kulay, pero sa loob ng ilang segundo, mawawala na ang hilo ko, ganito lang talaga ako sa umpisa.


Pinapasok naman kami dahil matagal na kaming pumupunta dito at may permission kami para pumasok anytime na gustuhin namin. At saka isa pa, kakilala namin ang nagbabatay sa pintuan. Tamang koneksyon lang.


Naghanap kami ng bakanteng mauupuan at mabuti naman mayroon. Apat kami lahat dahil palagi naman akong may kasabay na dalawa sa tuwing pupunta ako dito at nadagdag si Sean.


Umupo na kami doon, may mga sumasayaw din sa harapan pero wala naman kaming pakielam sa kanila. May nag-serve sa amin ng limang bote ng gin, palagi naman kasing ganoon ang inoorder namin kaya alam na nila. Nauubos din namin 'yon ng kaming tatlo lang, hindi ko naman alam kung kakayanin ni Sean. Dahil sanay na kaming umiinom, kahit maubos namin ang limang bote ng gin, kontrolado pa rin naman namin ang sarili namin.

Curse Academy: Prison SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon