Two

20 1 3
                                    

"Boring kumpara last year,moved on na ako eh..."

Nakatanggap ako ng hampas kay Annedie sa aking sinabi.

"Huy teh, ano? Gusto mo na naman ba ng sirang mental health?" Raiah.

Tawang tawa ako lalo pa't napagtantong wala ako sa sarili sa aking sinabi.

Totoo, kumpara last school year ay mas peaceful ngayon. Last school year kase, at any moment ay sasabog ako dahil sa trigger. Ngayon, kahit makita ko o maka eye contact ang ex ko ay wala na sa akin. Tapos wala pa akong crush, ayun tuloy... Unang araw pa lang ay tinatamad akong bumangon kanina gayong wala akong inaabangang makita.

Makulimlim. Pinagmasdan ko ang mga tuyong kayumangging dahon na naaapakan namin. Basa pa ito, senyales na kauulan lamang. Dahil din siguro sa maaga ang simula ng flag ceremony.

Pero kahit na ganoon, nagpapasalamat ako sa panginoong magaling na ngang talaga ako sa anxiety ko. Minsan, napagtatanto kong kaya miserable ang buhay ko noong grade-11 ako ay kasalanan ko din. Overthink ako ng overthink kahit maayos ang sitwasyon ko. Kapag may nakikita akong ibang kasama ang ex boyfriend ko, iniisip kong baka iyon ang bago. Iniisip kong kawawa ako. Iniisip kong baka anong inisipin ng ibang tao kapag nakita nila gayong madaming nakaalam na may namagitan sa amin. Tapos, kapag naman nagkakaroon na ako ng proseso...Ang gagawin ko ay i-i-stalk ang mga social media nila.

O diba, baliw? Baliw na, delulu pa...Perfect combo ng isang Gen-Z na traumatized.

Kaya siguro binigyan ako ng pagkakataon ni Lord na maging maayos ngayon at lumayo na ang loob nila. Para pagtawanan ang mga kababawan ko noon.

"Huy, Naomi, nakikinig ka ba? Sabi namin may bagong transfer na pogi, baka kako bet mo..."Annedie.

Kanina pa pala ako nakatitig sa dahon...

Natawa ako sa sarili kong napagiisip.

Napaka lawak talaga ng imagination ko! Kaya ako nasasaktan,eh!

"Ang aga-aga, sabog...hayst, magsalamin ka para makita mo..."

Nag-inat na lamang ako habang nangingiti, dinadama ang peace of mind na antagal kong si-ni-seek sa eskwelahang 'to.

"Hoy, lasang damo!"

May tumatawag sa parte namin. Baka si Raiah, siya ang madaming nakikilala agad sa aming magkakaibigan.

"Hoy matcha, lasang damo!"

Matcha...ano nga bang meron?

Pinipilit kong alalahanin ang hindi ko maalala. Alam ko na may something sa matcha...

Kahapon...may umagaw sa akin.

Nilingon ko ang tumawag at nakita kong pamilyar nga siya.

"Teo, tumigil ka na! Kung ikaw ay hindi nahihiya, putang'na ako oo!"

Teo.

Teo J. Santiago. Ang kaisa-isang taong nakilala ko na naglalagay ng buong pangalan sa milk-tea.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto mo lunurin kita sa strawberry na napaka-OA ng sugar? Baliw!" Ani ko,wala sa sarili na tila matagal ko na siyang kakilala.

Tawang tawa din naman siya sa akin. Hindi ko na nilingon at pinabayaan. Nakipag-usap ako sa mga kaibigan ko.

Napaka-random na tao, daig pa ang variable sa Stats...

Bahagya naman din akong natawa sa kawirduhan niya. Akala ko, walang mas wirdo pa sa akin...

Nang pumila na, natawag ako saglit para kumumpas. Naalala ko ang kabaliwan ko noon, hindi pa sila nakanta ay nakumpas na ako. Bwisit...

Ngumit noon, kabadong kabado ako at sobrang anxious. Ngayon, pinipigilan ang tawa gayong tanaw ko ang pagmumuka noong nang-agaw ng matcha ko.

Snow On The BeachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon